^

Punto Mo

Gov. Dy sigurado na ang panalo sa Isabela

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

TULAD ng kinaugalian tuwing election, maingay ang pa-tutsadahan ng mga kandidato sa probinsiya ng Isabela. Subalit nakalatag naman ang mga programa ni Sr. Supt. Sotero “Jhong” Ramos Jr. kaya hanggang dun na lang sa palitan ng ingay o word war sila. Titiyakin ni Ramos na hindi mauwi sa karahasan ang mga mainit na palitan ng akusasyon ng mga supporters ng mga kandidato alinsunod sa programa ni PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima na S.A.F.E. na midterm election. Noong 2007 at 2010 elections kasi, me naitala na mga violent incidents sa Isabela kaya’t sampu sa mga munisipalidad at city nito ang nailagay sa Election Watchlists o EWAS. Ito ay ang siyudad ng Ilagan at bayan ng Luna, Alicia, Cabatuan, Gamu, Palanan, Ramon, San Pablo, San Mariano at Jones. Kahit madaming lugar sa Isabela ang nasa EWAS, hindi naman sila kasali sa 15 areas na tinatawag ni Purisima na “hot spots.” Kaya’t malaki ang posibilidad na magiging matahimik ang midterm election sa Isabela. Ano sa tingin n’yo mga kosa?

Kahit maraming lugar ang nasa EWAS, ang tinututukan ni Ramos sa umpisa pa lang ng kampanya ay ang coastal town ng Maconacon kung saan ang dating mayor na si Erlinda Domingo ay pinaslang ng nakaraang taon sa Quezon City. Hindi natin abot mga kosa kung ano na ang nangyari sa kaso ni Domingo na sa ngayon ay nais palitan ng kanyang anak na si Liezl Kate ng National People’s Coalition (NPC) laban kay Abdulwali Villanueva, (Independent). So far, holding naman ang peace and order program ni Ramos sa Maconacon.

Kaya naman naniniguro si Ramos na magiging peaceful ang election sa Isabela bunga sa si incumbent Gov. Faustino “Bojie” Dy lll (NPC) ay sigurado na sa kanyang reelection bid. At ang isa pang dahilan ay nagkaroon ng peace covenant ang mga kandidato sa lahat ng siyudad at bayan. Si Dy kasi mga kosa ay nilabanan ni Mario Angelo Padaca, na kapatid ni Commissioner Grace Padaca, ng Aksiyon Demokratiko at mga Independents na sina Lilia Uy at Glorieta Almazan. Subalit si Padaca ay hindi man lang nakikitang na-ngampanya sa Isabela samanta-lang sina Uy at Almazan ay binigyan ng maliit na tsansang manalo laban kay Dy, na ang pamilya ay ang naghari sa probinsiya ng halos tatlong dekada. Nauntog lang ang mga Dy sa panahon ni Grace Padaca. Get’s n’yo mga kosa?

Itong Isabela kasi mga kosa ay matawag nating pangalawa sa pinakamalaking probinsiya ng bansa, kasunod ng Palawan. Mayroon itong population na 1,489,645 at registered voters na 795,733. Ang mga polling precincts nito ay 5,290 kaya’t tiyak magiging abala ang 1,720 police at military personnel na i-secure ang mga ito. Subalit, ayon kay Ramos sa kanyang report kay PRO2 director Chief Supt. Rodrigo “Rambo” de Gracia, kaya nilang patahimikin ang Isabela sa May 13 election. Siyempre, bigyan puwang din natin ang augmentation forces na galing sa 5th Division ng Philippine Army na nakabase sa bayan ng Gamu. Ilan pa kayang Ramos meron itong PNP natin para maging tahimik ang Pilipinas tuwing election?

Kung sabagay, sagradong bata ni Purisima itong si Ramos kaya siya ang napusuang ilagay sa Isabela at nag-deliver naman ang huli. May karugtong!

 

ABDULWALI VILLANUEVA

AKSIYON DEMOKRATIKO

ALAN PURISIMA

CHIEF SUPT

COMMISSIONER GRACE PADACA

ISABELA

RAMOS

SUBALIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with