Bakit masamang lunukin ang toothpaste?
1. May kahalong formaldehyde: Ito ang pumapatay sa bacteria na sumisira ng ngipin. Ang paglunok ng formaldehyde ay nagreresulta ng jaundice, kidney damage, liver damage at kung sosobra, kamatayan.
2. May detergent: Ito ang nagpapabula ng toothpaste para feel na feel natin ang pagsesepilyo. Ngunit kapag lulunukin ay magiging dahilan ng digestive tract burning.
3. May Peppermint oil: Ito ang nagpapabango at nagpapapresko ng hininga ngunit kapag nalunok ay magiging dahilan ng mahinang pulso, heart burn at pangangatal ng kalamnan.
4. May Paraffin: Ito ang dahilan kung bakit “smooth†sa bibig ang toothpaste. Kapag nilunok ay magiging dahilan ng sakit ng tiyan, pagsusuka at constipation.
5. May Glycerine Glycol: Inihahalo para hindi ma-dry ang toothpaste. Hindi lason ngunit nagiging dahilan ng pagsusuka.
6. May Chalk: Ito ang nagtatanggal ng plaque sa ngipin ngunit kung malulunok ay magiging dahilan ng lung problem.
7. May Titanium Dioxide: Inihahalo sa puting pintura. Nakakaputi ng ngipin at walang perwisyong dulot sa katawan. Kaya lang, gugustuhin mo bang makarating sa iyong bituka ang bagay na ipinapahid o ipinipintura lang sa pader.
8. May Saccharin: Upang hindi maglasang sabon, ang tamis ng saccharin ang nagtatakip sa masamang lasa. Hindi lason pero ipinagbawal sa US noong 1972.
9. May Menthol: Nagtatakip ng lasang chemical mula sa mga chemical ingredients at lasa ng seaweeds. Hindi lason.
10. May seaweeds: Para maging malapot ang consistency ng toothpaste. Hindi lason.
- Latest