Karahasan sa halalan,tumitindi
Sa natitirang ilang araw bago ang halalan, hindi maikakaila o maitatago ang lalong tumitinding mga karahasang nagaganap sa pagitan ng magkakalabang kandidato.
Sa Metro Manila lamang, sa Maynila at sa Taguig, halos magkasabay ang naganap na kaguluhan sa pagitan ng magkakatunggaling grupo.
Ang sinasabing pambabato umano sa mga supporters ni ex-Pres. Erap na ngayon ay tumatakbong Mayor sa Manila kalaban ni Mayor Alfredo Lim.
Sa Taguig naman ang kaguluhang sumiklab makaraan umanong pasukin ng kampo ni Rica Tinga ang munisipyo kung saan naman naharang ng mga supporters naman ni incumbent Mayor Lani Cayetano na tatakbo uli sa pagka-Mayor kalaban ni Tinga.
Ganito ang tensyon sa ilang lugar sa Metro Manila na sinasabing mainit ang labanan sa lokal na mga posisyon, pero mas mukhang madugo ang mga nagaganap sa ibat-ibang lalawigan.
Bukod sa mga sagupaan ng mga kandidato at kanilang supporters marami-rami na rin ang nagbubuwis ng buhay.
Noon lamang Lunes ng gabi dalawang consultant ni re-electionist Quezon Gov. David Suarez ang nasawi makaraang paulanan ng bala ng riding in tandem sa Tiaong sa nabanggit na lalawigan.
Kahapon din hapon sa Pagudpud, Ilocos Norte, isa ang nasawi habang ilan pa ang nasugatan matapos na magkrus ang landas ng dalawang magkatunggaling kandidato dito.
Lunes naman ng hapon, patay ang isang mayoralty candidate na si Rudy Abella sa San Jose Tarlac matapos barilin ng hindi nakikilalang suspect habang ito ay nangangampanya sa nabanggit na lugar.
Ang ganitong mga karahasan ay naganap sa kabila nga nang ipinatutupad na election gun ban.
Malaking hamon ito sa PNP ang mapanatili ang kaayusan at matahimik na halalan.
Sana ay manaig ang kapaÂyapaan sa bawat panig, at wala na sanang may magbuwis pa ng buhay o masaktan pa dahil sa halalan.
- Latest