^

Punto Mo

Ako, legal wife…

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

MAY mayamang lalaki sa aming bayan na kilalang playboy. Palibhasa’y maliit lang na bayan, bistado ng marami kung sinu-sino ang kanyang naanakan. Magaling pumili ang lalaki ng babaeng kekeridahin niya dahil wala kang itatapon sa anim na naanakan niya. Kung sa  mga artista lang dito sa atin ikukumpara, di hamak na mas magaganda ang mga kerida ng mayamang lalaki. Kahawig lang naman ni Audrey Hepburn ang isa.

Hindi maganda ang “original” o legal wife ng mayamang lalaki. Magkaganoon pa man, hindi iniiwan ng lalaking mayaman ang kanyang orig na asawa. Paano, dito raw niya nakita ang pinakamagandang katangian ng isang babae. Magkaroon man daw siya ng 100 na kerida, number one pa rin sa kanya ang orig na misis. Pasensiya na lang daw sa kanyang misis at naging “makati” lang siya sa babae.

Apat na babae sa Bibliya ang binanggit na magaganda: Rachel, asawa ni Jacob; Abigail, asawa ni David; Bathsheba, isa pang asawa ni David; Esther,asawa ng Persian King na si Ahasuerus. Ang mga babaeng nabanggit ay hindi “original” na asawa ng mga lalaking aking binanggit. Mga kabit lang sila. Kaya kung hindi ka maganda pero ikaw naman ang orig na asawa, maging PROUD ka!

 

vuukle comment

AHASUERUS

APAT

ASAWA

AUDREY HEPBURN

BATHSHEBA

BIBLIYA

KAHAWIG

KAYA

PERSIAN KING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with