World Costume Festival 2013 (Last Part)
APAT na bansa ang kinilala ng World Costume Festival (WCF) para sa kanilang tradisyunal na fiesta at kasuotan. Pinarangalan ang Egypt para sa “Tribal Art Ritualâ€; ang Venice Italy para sa “Carnivale of Veniceâ€; ang “Carnivale of Rio de Janeiro†ng Brazil at ang Pilipinas para sa “Mother of all Festivals†na Ati-Atihan. Ang mga bansang nabanggit ay pinarangalan ng Viva Vigan World Heritage Award. Naroon naman ang pangulo ng Sto. Niño Kalibo Foundation na si Mr. Albert Menez na tumanggap ng parangal para sa ating bansa.
Umani rin ng parangal si Mr. Rolando de Leon, bilang scenographer. Siya ang talagang nagsikap upang manalo at mapili ang Pilipinas bilang host country ng WCF 2013.
Matapos ang opening ceremony, nagsama-sama na ang lahat ng delegates, contingents at representatives mula sa iba’t ibang bansa at sa costume exhibit, seminars at workshops sila nagpalitan ng notes at nagkakila-kilala.
Nais kong kilalanin ang mga fiesta at costumes mula sa siyam na probinsiyang nagtungo sa Vigan: Sublian Festival ng Batangas City, Ati-Atihan ng Kalibo Aklan, Sinulog ng Cebu, Paraw Regatta at Dinagyang ng Iloilo, Tawo-Tawo Festival ng Bayawan, Kadayawan ng Davao, Kaamulan ng Bukidnon at Masskara Festival ng Bacolod. Kung nakita n’yo lang ang mga costumes ng mga fiesta natin mamamangha kayo talaga! Malalaki at napaka-makukulay. Mas lalo n’yong hahangaan ang ating festivals at titingalain ang ating local designers. Hindi biro ang labor na iginugugol sa pagbuo ng costumes. Bawat detalye ay pinag-isipan at pinag-ukulan ng atensiyon. Ang costumes ay isinuot ng mga piling Kapuso stars sa isang fashion show noong Fellowship and Awards night.
Saludo ako sa mga orgaÂnisasyon at designers. Gayundin sa mga batikan at lokal na designers na nagdamit sa akin, sina Mr. Edgar Madamba at Tito Randy Ortiz. Mabuhay ang Pinoy designers na pang-international ang mga likha!
Malaki ang pasasalamat ko sa GMA 7 para sa pagkakataong ipinagkaloob sa akin. Proud ako sa aking home network sa pagiging StraÂtegic Partner ng OISTAT at sa matagumpay na pagÂdaraos ng WCF 2013. Salamat Lord. Viva Vigan! Mabuhay ang PiliÂpinas! Mabuhay ang PinoyÂ! Happy Labor Day po sa inyo!
- Latest