^

Punto Mo

Lampong (280)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“OKEY ba sa inyo ang plano ko, Tanggol, Mulong?” Tanong ni Jinky.

Nagsalita si Mulong.

“Mas mabuti po yata Mam Jinky ay si Tanggol na lang ang magbantay sa iyo at ako ay mananatili rito. Kapag nalaman po na walang tao rito sa kubo ay baka kung ano ang gawin sa mga itik. Kaya ko naman pong bantayang mag-isa ang kulungan.’’

“Tama po si Mulong, Mam Jinky,” sabi ni Tanggol. “Ako na lang ang titira sa bahay mo at magbabantay sa’yo.’’

“Sige kung iyon ang tama.’’

“Maaari namang mag-text si Tanggol sa akin Mam kung kailangan ng tulong sa bahay mo.’’

“Salamat Mulong. Hindi ako nagkamali sa pagpili sa inyong dalawa.’’

“Plantsado na po ang plano Mam. Ako dito sa kubo at si Tanggol sa bahay mo.’’

“Oo, Mulong. Mamayang gabi, sa bahay ko na siya matutulog. Okey ba Tanggol.”

Tumango lang si Tanggol. Kunwari ay hindi siya masaya pero sa loob ng puso niya, siya ang pinaka-masayang lalaki dahil mapapalapit siya kay Jinky dahil nasa isang bahay sila.

“Sige Tanggol, hihin­tayin kita sa bahay mamayang gabi,” sabi ni Mam Jinky.

“Opo Mam.”

Umalis na si Jinky.

Nang makalayo si Jinky ay nag-high five sina Tanggol at Mulong.

“Tagumpay ang plano­ ko, Tanggol. Kayong da­lawa lang ang magkakasama roon.’

“Ang husay mo Mulong. Salamat.”

“Kailangan may mangyari na sa inyo.”

“Lumantad na kaya ako, Mulong.”

“Ikaw. Kung gusto mo.”

“Sige. Bahala na. Basta mamayang gabi, sa bahay na ako ni Jinky.”

 

KINAGABIHAN, nasa bahay na ni Jinky si Tanggol. Dinala ni Jinky si Tanggol sa silid nito.

“Eto ang silid mo, Tanggol.”

(Itutuloy)

BAHAY

JINKY

MAM JINKY

MULONG

OPO MAM

SALAMAT MULONG

SIGE

SIGE TANGGOL

TANGGOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with