^

Punto Mo

Walang paalam

WANNA BET - Bettina P. Carlos - Pang-masa

KARANIWAN kapag may aalis at mawawalay nang matagal sa mga minamahal ay “goodbye” ang sinasabi. Ako, mas nanaisin ko ang see you later, bilang pahiwatig na kami ay magkikita pang muli.

See you later, Ala and Leon – ang aking dalawang pinsang lumaki na sa aking piling. Walong taon namin kayong inaruga at kayo ang maituturing kong mga panganay at original babies. Panahon na upang makapiling ang inyong magulang sa Amerika. Mahirap man pero kailangan namin kayong pakawalan.

Salamat sa pagdadala ng sigla at ingay sa ating tahanan. Ngayon ay magiging tahimik na ito pero nangungulila naman kami sa inyo. Salamat sa inyong mga joke at pagpapatawa, sa inyong walang humpay na pagtatanong at kadaldalan na kahit minsan ay nakakarindi na, yun pala ay mami-miss ko rin. Salamat dahil kayo ang naging mga elf ko sa kusina. Kayo ang naging katuwang ko sa aking pagbi-bake sa mga simpleng paraang makakaya ninyo ay tinutulungan n’yo ako. Mula sa pagbibilang ng mga cups at kahon, at maging sa mismong paghahalo at paghuhurno ng aking mga cupcakes. Salamat sa inyong walang sawang pagtikim sa aking mga tinapay. Ang mga iyon yata ang hustong nakapagpataba sa inyo. Salamat sa pagiging playmates ni Gummy at pagtuturo sa kanya ng mga kanta, sayaw at maging mga kalokohan. Mami-miss niya kayo.

Salamat sa iyong purong pagmamahal at malasakit. Sa akin, sa pagbibigay ng tubig kapag sa tingin niyo ay pagod ako sa pagbi-bake; sa pagpapaalala kay Lola na uminom na ng gamot niya; sa pagtulong kay Mama Ayeen na maglinis ng bahay at magligpit ng mga toys ni Gummy. Salamat dahil sa mura n’yong edad ay mature na kayo at napakalawak ng pag-intindi at pag-iisip. Maraming salamat sa mga aral na itinuro n’yo sa akin, kahit hindi ninyo nalalaman. Salamat sa pagtuturo sa akin na hindi dapat nagtatanim ng galit, na kahit pinagagalitan na ay nananatiling magalang at may respeto pa rin sa nakatatanda; na kapag pinagsasabihan kayo at sinisita ito ay dahil mahal namin kayo.

Wala kaming ibang hi-ling kundi ang maging malusog, lligtas at maligaya kayo. Nawa’y hindi niyo malimutan ang tamang asal at respetong itinanim na namin sa inyo. Manatili kayong magalang sa halip ng environment sa Amerika. Malaki ang pasasalamat namin sa Diyos dahil biniyayaan kami ng tulad ninyo sa aming pamilya. Kayo ay mga anghel talaga, kahit makukulit madalas. O hala, humayo kayo at maging masasayang mga bata.

Mag-iipon ako upang mabisita namin kayo next year! See you later, Ala and Leon. No goodbyes. Mahal na mahal na mahal ko kayo.

vuukle comment

ALA AND LEON

AMERIKA

DIYOS

KAYO

LOLA

MAHIRAP

MAMA AYEEN

SALAMAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with