^

Punto Mo

‘Away kalye’

- Tony Calvento - Pang-masa

KAPAG may asong ulol na handang sumakmal sa mga batang walang kalaban-laban, ang magulang, gagawin ang  lahat maipagtanggol lamang sila.

Ganito ngayon ang kaba ngayon ng mag-asawang sina Jerome—44 anyos at Marisol Mamuad—23 anyos ng Pineda, Pasig City. Alas-8 ng gabi nung Marso 15, 2013 habang nanonood sila ng telebisyon sa kanilang bahay, nagambala sila nung madinig ang isang lalaking nagsisisigaw mula sa labas. “Hoy mga p&^%*&^%! Kabago-bago mo pa lang dito napakayabang mo na! Bakit ‘di ka bumaba at nang makita mo hinahanap mo!,” sigaw ng kanilang kapitbahay na si Jose Salvador—57 na taong gulang. Natakot ang mag-asawa at nagsimulang mag-iyakan ang tatlong menor de edad na mga anak. Hindi makayang lumabas ni Jerome sa takot na baka manakit itong si Jose at madamay ang mga bata. “Harapin ‘nyo ko ngayon!  Tignan natin ang tapang ‘nyo mga p&^%*&^% kayo! Hindi matatapos ‘tong gabing ‘to na hindi ko kayo napapatay lahat! Aakyatin ko na lang kayo diyan at uubusin ko pamilya ‘nyo mga hayup kayo!,” pagbabanta umano ni Jose. Agad na tumawag si Marisol sa kanyang kapatid na si Jocelyn Balla para magpatawag ng saklolo mula sa baranggay. Nakapuslit si Jerome at Marisol para makapagsumbong. May dalawang pulis silang naabutan roon at nagsabi sa kanilang pag-aayusin sila. Pagbalik sa kanilang tapat, wala na dun si Jose. Ipinagtanong nila ang  kinaroroonan nito ngunit sinabi sa kanilang natutulog na daw ito. Nagpa-blotter na lamang ang  mag-asawa sa baranggay. Ang insidenteng ito ang kinakabahala ni Marisol na mangyari dahil sa namuong iringan ng kanyang pamilya laban kina Jose at sa anak nitong si Erick Salvador na  nagsimula nung nakaraang linggo. Marso 7 noon, nagkaroon ng komprontasyon si Erick at ang kapatid ni Marisol na si Edison Mackay. Mataas umano ang boses ni Erick habang sinasabing tanggalin ang  nakaparadang tricycle ng kanyang lolo mula sa tapat ng bahay nila.

“Lumalagpas yung gulong niyo sa tapat ng bahay namin ang laking harang! Nakakasagabal yang tricycle sa mga dumadaan dito! Naabala kami!,” sabi ni Erick. Nadinig ni Marisol ang sagutan kaya’t hindi niya  napigilang lumabas para siya ang  humarap kay Erick. “Teka, teka! Wala kang karapatan angkinin ang  kalsada dahil gobyerno ang  may-ari nito!,”

 

 nanggagalaiting sinabi ni Ma-risol. “Ganon ba!? Teka! Isa-isa lang muna ang tirahan!,” nanghahamon na pahayag umano ni Erick habang dinuduro-duro umano si Marisol. Lumabas din umano ang asawa nitong si Erick. “Itong si Erick, balak pa kaming pagsabungin ng misis niya!,”ani Marisol. Nati-gil na lamang ang kanilang pagtatalo nung awatin na ng mga baranggay tanod. Kinabukasan, nalaman na lamang niya na sinundan at hinahamon umano muli ni Erick si Edison sa may gasolinahan.  Ipina-‘blotter’ lang nila ang pangyayari. Suba­lit nung masundan na nung Marso 15 na nagwala at nagbanta na si Jose, na nagdulot ng takot sa kaligtasan ng kanilang pamilya, handa nang magsampa ng reklamo ang  mag-asawa. Nagreklamo na sila sa baranggay ang  problema ni Marisol at Jerome ay hindi sila binibigyan umano ng “Certificate to file action”(CFA). Tatlong linggo pa ang lumipas bago nila nakuha ang CFA. Pinagtataka ng mag-asawa sa ibinigay na CFA, mali ang ispeling ng kanilang mga pangalan sa impormasyon na nakalagay.

“Yung sa pangalan kong Jerome “J” naging “G”, yung apelyido ko pong Mamuad natanggal yung “m” sa gitna! At yung pangalan ng asawa kong “Marisol” naging “Mirasol”. Tapos nung kami na kinasuhan, yung mga pangalan namin buong-buo!,” naasar na reklamo ni Jerome. Ayon sa kanila ay nagsampa ng kontra-demanda sina Erick at Jose. Nais malaman ng mag-asawa kung ano ang  magiging epekto ng mali-maling ispeling ng kanilang mga pangalan sa dokumento ng kanilang sinampang reklamo.

Itinampok namin sa CALVENTO FILES sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 khz (tuwing 3:00 ng hapon) ang  kwentong ito nina Jerome at Marisol.  SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, kung nakahambalang ang  parada ng tricyle ng lolo ni Marisol, may karapatang umalma sina Jose at Erick lalo at nakaka-abala nga naman ito sa daanan, ang  problema  lang ay hindi dapat dinadaan sa init ng ulo ang  dapat sana’y maayos na pakiusapan. Pag-mamay-ari ng publiko ang lahat ng kalsada, dapat na panatilihing malinis, maaliwalas at maayos ito. Hindi iyan ginawa para gawing paradahan! Kung mapatunayang nagwawala at nagbabanta nga itong si Jose nung gabi ng Marso 15, maari nilang sampahan ito ng “Grave Threat at Alarms and scandal”. Aalamin din kung ito’y Simple, Light o Grave Threats. Ang maling mga ispeling ng kanilang mga pangalan ay “typographical errors” lamang na hindi naman makaka-apekto sa kanilang dokumento pero para hindi na rin sila maguluhan ay minungkahi namin sa kanilang ipawasto na ang ispeling bago pa humaba ang takbo ng kanilang reklamo.Bilang tulong pinapunta namin ang mag-asawa sa pinuno ng Public Attorney’s Office Pasig City na si Atty. Julan Ilao, upang magabayan sila sa isasampang reklamo.

(KINALAP NI PAULINE VENTURA)

Sa gustong dumulog ang  aming numero ay 09213263166 o 09198972854 o 09213784392 o 0906-7578527. Ang landline, 6387285/7 hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor City State Center Blg. Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Biyernes.

ERICK

JEROME

JOSE

KANILANG

MARISOL

MARSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with