^

Punto Mo

EDITORYAL - Nakakatakot na ang mga sasakyang walang preno!

Pang-masa

KAPAG may nangyayaring aksidente sa kalsada, lagi nang ang sinasabing dahilan ng drayber ay nawalan siya ng preno kaya nabangga ang sasakyan. Sa dami ng mga nangyayaring aksidente araw-araw, maiisip na karamihan pala ng mga yumayaot na sasakyan ay mga sira ang preno. Nakakatakot ito! Walang kamalay-malay ang mga pasahero at kapwa motorista na “kabaong” pala ni Kamatayan ang umuusad sa kalsada. At paano kung mga malalaking truck na may kargang buhangin ang nawalan ng preno sa palusong na lugar. Nakakatakot!

Katulad nang nangyaring pagsagasa ng isang ten-wheeler truck sa motorsiklo at isang SUV sa Antipolo City noong Lunes. Patay ang nakamotorsiklo at sugatan naman ang sakay ng SUV. Nakaligtas ang drayber ng truck. Sabi niya, nawalan daw ng preno ang truck habang palusong. May iniwasan daw siya kaya tinamaan ang motorsiklo at SUV.

Noong Huwebes ng madaling araw, isang fish delivery­ truck ang bumangga rin sa isang heavy equipment trailer truck sa Muñoz, Quezon City. Namatay ang driver ng bumanggang fish delivery. Ayon sa report, mabilis ang takbo ng fish delivery at sinagasa ang nakaparadang trailer truck. At ayon sa mga imbestigador, nawalan ng preno ang fish delivery truck. Marami ang nasugatan sa aksidente.

Sunud-sunod ang mga aksidente at pawang nawalan ng preno ang mga sangkot na sasakyan. Paano nakapagre-renew ng rehistro ang mga sasakyang walang preno? Tanggap nang tanggap lamang ang mga taga-LTO ng bayad at wala nang nangyayaring inspection sa mga sasakyang pangkargamento o maski  sa mga bus. Hindi na baleng walang preno at makapatay basta mairehistro. Paano ang “tuwid na daan” na gustong tahakin ng administrasyong ito?

ANTIPOLO CITY

NAKAKATAKOT

NOONG HUWEBES

PAANO

PRENO

QUEZON CITY

TRUCK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with