^

Punto Mo

Lampong (262)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

N AGULAT si Tanggol sa pagtatanong ni Jinky pero hindi siya nagpahalata. Kailangang walang mapansin si Jinky sa kanya. Nakatutok ang mga mata ni Jinky sa kanya at tila nagdududa ito. Iyon ang pakiramdam niya kay Jinky.

‘‘Ako nga po si Tanggol, Mam,’’ pinaliit ni Tanggol ang boses upang hindi siya mahalata.

“Ah ikaw pala.”

“Magandang umaga po Mam.’’

‘‘Magandang umaga naman Tanggol. Nasaan si Mulong?’’

‘‘Nasa banyo po Mam. May iuutos po ba ikaw sa kanya ?’’

“Wala naman. Siyanga pala, kumusta ang trabaho n’yo rito?’’

“Okey lang po.’’

“Magaling? Alam mo ba kung bakit ko kayo kinuhang guard sa itikan?’’

“Para po walang ma­nakaw sa mga itik.

‘‘Salamat naman at alam mo, Tanggol.’’

“Gusto ko pong ibalita sa’yo Mam na mayroon kaming­ nahuling malaking sawa kagabi...’’

“Talaga? Nasaan ang sawa?’’

‘‘Naroon po sa likod ng kubo. Tinalian po namin para hindi makawala.’’

“Gusto kong makita ang sawa, Tanggol.’’

“Halika po Mam.’’

Tinungo nila ang likod ng kubo.

Doon nakita ang mahaba at matabang sawa.

“Ay Diyos ko ang laki!’’

Dumating si Mulong. Pinagtulungan nila na buhatin ang sawa.

“Ang bigat!’’ sabi ni Mulong.

“Itaas pa natin para makita ni Mam Jinky.’’

Itinaas. Mahaba at mataba ang sawa.

“Hindi kaya ’yan ang pumapatay sa mga itik ko, Tanggol?’’

“Maaari po Mam.’’

(Itutuloy)

ALAM

AY DIYOS

JINKY

MAGANDANG

MAM

MAM JINKY

MULONG

NASAAN

TANGGOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with