^

Punto Mo

EDITORYAL - Nasayang ang pagsisikap ng Comelec

Pang-masa

N AKAKADISMAYA ang ruling ng Supreme Court sa kaso ng party-list groups na una nang dinis­kuwalipika ng Commission on Elections (Comelec). Ang mga inalis sa listahan ay pinayagan ng Kataas-taasang­ Hukuman na makabalik makaraang makakuha ng status qou ante order. Nakaka-disappoint ang ruling sapagkat marami nang naubos na panahon si Chairman Sixto Brillantes at mga commissioners ukol sa party-list groups at sa isang iglap ay papayagan lang ng Supreme Court.

Mahabang panahon na ang iniukol ni Brillantes sa pagbusisi at pagsala sa mga nag-apply na party-list groups pero mawawalan pa lang ng saysay. Ayon kay Brillantes, wala siyang iniisip kundi linisin ang party-list system. Marami silang diniskuwalipika sapagkat hindi naman nagrerepresenta sa mga maliliit. Karamihan sa mga party-list group representative ay mayayaman at hindi naranasang maging mahirap. Katulad na lang ng party-list na nagrerepresenta sa mga security guard at tricycle driver. Ang kinatawan ay hindi naman naging sekyu at traysikel drayber. Mayroon ding party-list na ang kinatawan ay isang miyembro ng pamilya. Mayroong party-list na ang nirerepresenta ay isang rehiyon. Bakit kailangang irepresenta ang isang lugar gayung mayroon nang congressman o congresswoman doon?

Nakaiinis ang ruling ng Kataas-taasang Hukuman kaya hindi raw basta susuko si Brillantes. Mag-aapela raw sila sa ruling. Gagawin daw nila ang lahat para mapanatili ang kanilang pagnanais na maging malinis ang party-list system. Wala naman daw silang ibang hangarin kundi mapabuti ang party-list.

Naniniwala kami sa kakayahan ni Brillantes. Dapat lang na kung ano ang inalis ay iyon ang dapat mangyari. Kailan pa lilinisin ang party-list?

AYON

BAKIT

BRILLANTES

CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES

HUKUMAN

KATAAS

LIST

PARTY

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with