Simangot
SA init ng panahon, hindi maiiwasan ang sumimangot. Nagkakatalo na lang sa dahilan ng pagsimangot mo. Nasisilaw ka lang ba at naiinitan? O nag-iinit ang dugo mo sa isang bagay?
Ang hindi pagsimangot ang isang bagay na natutunan ko nitong nakaraang linggo. For the longest time ay at peace ako at masaya anuman ang mangyari sa paligid ko. In Christian terms, ako ay joyful (at hindi lang basta happy dahil ang happiness ay nakabase sa happenings sa buhay mo). Panatag ang aking kalooban, anumang problema ang maganap sa aking buhay ay hindi ako nag-aalala dahil alam kong nariyan Siya upang lagi akong protektahan at gabayan.
At kung kailan naman pakiramdam ko ay malalim na ang relasyon ko Sa Kanya, bigla naman akong lalapitan at gagapiin ng “kalaban.†At dahil pakiramdam ko nga ay katabi ko naman Siya lagi, hindi ko naguwardiyahan ang aking sarili. Sabi nga nila, mas lalo kang napapalapit sa Itaas, mas lalo kang lalapitan ng “kasamaan†upang ilayo sa Kanya. At kung minsan pa ito ay sa paraang hindi natin namamalayan at inaakala. Kung hindi siya magtatanim ng mga pangit at masamang kaisipan sa utak mo ay gagamit siya ng ibang tao, mga pinakamalalapit pa sa iyo upang subukan ang iyong katatagan.
Ang mamuhay bilang Christian ay mahirap at imposible. Ngunit dahil sa grasya na ipinagkakaloob, magagawa nating mamuhay ng tama at tuwid at laging nasa mga bakas Niya. Sabi nga ng mga kapatid ko sa pananampalataya, ang pagtanggap kay Hesukristo bilang tagasagip mo ay isang beses lamang magaganap sa iyong buhay. Ngunit ang pagpapapasok at paggabay ng Holy Spirit sa ating mga puso ay araw-araw, minu-minuto. Dahil sa bawat pagkakataong may kinakaharap tayong hindi kaya ng ating katawan at kaloobang tao at kailangan nating sumuko ay hayaang ang Espiritu Santo ang kumilos at magsalita sa pamamagitan natin.
Sa mga pagkakataong nais nating magsalita nang masakit at hindi makakabuti sa ating kapwa, kailangan nating magpigil at sumuko sa Holy Spirit. Natutunan ko ang paraang: Exhale-Inhale, Confess-Surrender.
Sa tuwing may nararamdaman kang mali, hindi dapat o kaisipan hindi galing sa Kanya, ikaw ay mangumpisal sa Diyos. Sabihin mong “Papa God, ako ay sumasang-ayong mali itong nararamdaman ko. Patawarin mo ako at salamat sa Iyong kapatawaran.†Matapos mag-confess ay sumuko naman. “Lord, isinusuko ko po ang aking sarili at sitwasyong ito sa Inyo. Hindi ko po ito kayang mag-isa.â€
Sa pamamagitan ng dasal mong ito ay ipadadala ng Diyos ang Holy Spirit upang siyang gumawa ng hindi mo magawa sa mga oras na iyon --- ang magsaÂlita ng banayad, ang magpatawad kaysa magmataas, ang magsalita ng may pagmamahal kahit nag-aapoy ka sa galit. At magugulat ka sa maÂaaring lumabas na mga salita sa iyong bibig, gayundin sa iyong ikiÂkilos.
Nawa’y maging mga kalmado at marahan tayong mga nilalang. Nang sa gayon ay wala tayong nasasayang na enerÂhiya sa pagiÂging galit, wala tayong nasasaktan sa mga salitang hindi naman sinasadyang masabi at mamuhay na lamang ng nagmamahalan.
- Latest