^

Punto Mo

Special team, tututok sa mga nawawalang paslit

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Matapos kalampagin ng Malacañang, bumuo ang PNP ng Special Team na tututok sa mga kaso ng mga dinudukot at nawawalang mga paslit, partikular sa Metro Manila at karatig- lalawigan.

Makakasama sa naturang team ang mga  imbestigador buhat sa PNP-Criminal Investigation and Detection  Group na siyang tutulong sa NCRPO sa pagsasagawa ng imbestigasyon para sa mabilisang ikalulutas o ikatatagpo sa mga nawawalang mga bata.

Umingay ang naturang kaso ng mga pagdukot matapos na magkasunud-sunod na mapaulat ang pagkawala ng mga paslit.

Dalawa sa iniulat na nawala sa Taguig  ang hindi pa rin nakikita sa kasalukuyan, habang ang nawala sa Quezon City ay naibalik na sa kanyang mga magulang.

Bumulaga rin noong nakaraang linggo ang kaso ng 4-anyos na si Mark Escarmosa na nawawala noon pang Marso 19 at natagpuan  na putol ng ulo, wakwak ang tiyan, wala nang laman-loob at halos buto na lamang matapos na umano’y mahulog sa bangin sa Pililia, Rizal. 

 Pero sa teorya ng pulisya, nahulog sa bangin ang bata, kinain ng bayawak at asong gala na nakita pang tangay ang isa nitong putol at halos buto na lamang na isang binti. Pero gaya ng dati, may hinahinala  na isang sindikatong dumudukot ng mga bata at nagbebenta ng laman-loob ang nasa likod ng krimen.

Malaki naman ang  paniwala ng mga opisyal ng pulisya na wala namang indikasyon na may sindikatong grupo na kumikilos na dumudukot sa mga paslit at kumukuha ng kanilang mga laman-loob.

Bukod dito, nauna namang ipinaliwanag ng NCRPO na karamihan naman sa mga sinasabing kinidnap na bata sa Metro Manila ay may kinalaman lamang sa away sa kustodiya sa mga ito sa pagitan ng hiwalay nilang mga magulang.

Bukod pa rito, hindi rin lahat ng iniulat na nawawalang paslit ay biktima ng kidnap o ab­duction, kundi karamihan ay naligaw lamang­ o napabayaan ng kanilang mga magulang.

Magkagayun man, iisa ang hangad nating lahat, kinidnap man, naligaw o napabayaan, magtulung-tulong na lang tayo para maibalik sa kanilang mga magulang ang mga paslit na ito.

Sa mga kumukupkop, ’wag kayong matakot na lumutang o mag-alala na baka kayo mapagbintangan ng kung anuman, basta maibalik lang sa kanilang mga magulang ang mga paslit na walang malay.

Sa panig ng pulisya, maging insidente man ito ng ordinaryo o simpleng pagkawala, huwag sanang matapos lamang sa pagre-rekord o pagba-blotter sa insidente kundi makatulong rin naman sa paghanap sa mga ito.

vuukle comment

BUKOD

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION

MARK ESCARMOSA

METRO MANILA

PERO

QUEZON CITY

SPECIAL TEAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with