EDITORYAL - Mga ‘killer bus’ patuloy pa rin sa pamamasada
KAPAG may nangyaring malagim na aksidente ng bus, agad na magpapalabas ng kautusan ang LTFRB na iniimbestigahan ang kompanya ng bus at sususpendehin ang mga ito. Pero makaraan ang ilang buwan mula nang maganap ang aksidente, makikita na naman ang mga bus na yumayaot at nakikipagkarera na naman sa kapwa bus. Nasaan na ang kautusan ng LTFRB?
Kagaya na lang ng mga bus na bumibiyahe sa Commonwealth Ave. na tinaguriang “killer highwayâ€. Napakaraming aksidente ng bus ang nangyayari rito. Marami nang namatay at nasugatan. Pero patuloy pa rin sa pagyaot dito ang mga “killer busâ€. Sa kabila na itinakda ng MMDA ang 60 kph na tulin, marami pa ring sumusuway at ito ang dahilan kaya maraming bus ang nababangga at nahuhulog sa bangin.
Noong Lunes ng gabi, isang humahagibis na Everlasting Transport ang bumangga sa konkretong poste malapit sa Tandang Sora flyover dakong alas-diyes ng gabi. Sa lakas ng pagbangga sa poste ay nawasak ang unahang bahagi ng bus. Nawalan umano ng preno ang bus. Ang 42 pasahero ay pawang nasugatan.
Nang araw ding iyon isa pang bus ang naaksidente sa North Luzon Expressway. Bumaliktad ang bus na umano’y patungong Bulacan. Nasugatan ang mga pasahero at isinugod sa pinakamalapit na ospital. Nawalan din ng preno ang bus kaya bumangga sa pader.
Pumalyang preno ang laging dahilan. Kung preno ang problema, bakit narehistro pa ang mga bus na ito? Anong klaseng tanggapan ang LTO na kahit sira ang preno ay nirerehistro?
Patuloy ang mga “killer bus†sa pamamasada. Madali lang sabihin ng LTFRB at LTO na sinuspinde na nila ang mga ito. Paulit-ulit na lang. Bakit hindi tanggalan ng prangkisa ang mga “killer bus†at la-ging isailalim sa drug test ang mga driver? Gampanan naman sana ng mga opisyal ng LTFRB at LTO ang kanilang tungkulin para sa kapakanan at kaligtasan ng riding public.
- Latest