^

Punto Mo

Sex 101: Nakaaaliw na Katotohanan

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

11. Ang babaeng nagtataglay ng emotional intelligence ay nakakaranas ng  maraming beses na orgasm. Ang emotional intelligence ay kakayahan na maunawan ang sariling damdamin, kung bakit masama o maganda ang kanyang mood, kung bakit lagi siyang nalulungkot, etc. Hindi lang kanyang sarili ang nauunawaan niya kundi ang damdamin at behaviour ng ibang tao kaya mas madalas na kasundo siya ng maraming tao.

12. Sa buong mundo, higit-kumulang na 30 percent lang  ng kalalakihan ang tuli. Mas mabilis maantig ang damdamin ng tuli kaysa hindi. Ang dulo ng penis ay mas nagiging sensitive kung manipis  at walang “helmet”.

13. Ang mga kalalakihan ay nilalabasan ng 30 to 750 million sperm cells sa isang ejaculation lang. Daig sila ng barakong baboy, mga 8 billion sperm cells ang nailalabas nila sa isang ejaculation lang.

14. Sa edad na 19, mga 70 percent ng American teenagers ang nakaranas nang makipagtalik.

15. Sa mag-asawang gumagamit ng natural method — hindi nagtatalik tuwing­ fertile period ni Misis — 24 na mag-asawa ang pumapalpak sa bawat 100 mag-asawa. Ibig sabihin, 24 ang nagbubuntis pa rin kahit na gumamit ng natural method. Sa US ang survey na ito.

16. Ayon sa research na ginawa noong 2012 ng non-profit Guttmacher Institute­, ang pagbibigay ng sex education sa mga kabataan ay nagiging dahilan para iwasan nila ang pakikipagtalik sa maagang edad.

(Itutuloy)

AYON

DAIG

DAMDAMIN

GUTTMACHER INSTITUTE

IBIG

ITUTULOY

LANG

MISIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with