Mga babaing nagparetoke ng katawan pero pumalpak (2)
ISA si Mary (hindi tunay na pangalan) na nagsagawa ng DIY (do-it yourself) na pagplastic surgery sa kanyang mukha. Pero sa halip gumanda, lalong nadisgrasya.
Ayon kay Mary wala siyang sinisising doctor sapagkat siya mismo ang nagsagawa ng pag-iinject sa sarili. Siya mismo ang dapat sisihin.
Ayon kay Mary, gumamit siya ng silicone na nabili niya mula sa Internet. Ini-ininjerct niya ito sa kanyang labi at mukha. Noong una, wala siyang nararamdamang kakaiba. Pero makalipas ang 24 oras, isang bangungot ang kanyang nakita. Namaga ang kanyang mukha at kumapal ang kanyang mga labi.
Natuklasan ni Mary na ang nabili niyang silicone ay hindi medical-grade kundi naka-labeled na personal lubricant. Iyon ang naisaksak niya sa kanyang mukha. Sising-sisi si Mary at nagbabala sa mga kababaihan na huwag mag-DYI plastic surgery sa mukha. (www.oddee.com)
- Latest















