^

Punto Mo

Magna Carta for the Poor, ambisyosong batas!

KAWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

MATAPANG na hinarang ni President Noynoy Aquino ang Magna Carta for the Poor na sinasabing sagot daw sa kahirapan sa bansa lalo na ng masang Pilipino. Ayon kay P-Noy hindi kakayanin ng gobyerno ang ambisyosong batas na ito. Wala umanong sapat na pondo ang gobyerno rito.

Pero negatibo ang re­aksiyon ng mga may akda ng panukalang batas na ito na ina­prubahan ng Kongreso. Sinasabing malaking pagkakamali raw ang pag-veto ni P-Noy sa Magna Carta for the Poor. Pero naging makatotohanan lang ang Presidente ukol dito.

Madalas kong batikusin ang Presidente kapag sa aking paniniwala ay mali ang kanyang mga polisiya pero sa pagkakataong ito, may punto siya. Kung talagang hindi kakayanin ng pondo, bakit nga naman pipilitin kaysa ipagyabang lang ng mga mambabatas na may akda nito. Pero may pagkukulang ang ehekutibo dahil hindi ito naipatupad nang tama.

Sana ay isinama ng mga senador at kongresista sa panukalang batas na Magna Carta for the Poor kung paano mapopondohan ng gobyerno ang proyektong pabahay. Sana, sinabi nilang ang lahat ng kanilang pork barrel fund ay ilalaan dito upang ma­ging sapat ang pondo. Ang Magna Carta for the Poor ay maiha­hambing din sa napakaraming naging batas ukol sa pagtatatag ng state universities and colleges sa buong bansa na hindi naman maipatupad dahil kapos sa budget.

Nandiyan nga ang batas pero kung hindi naman maipatutupad ng tama ay mabuting wala na lang. Paaasahin lang ang taumbayan sa wala at baka mauwi pa sa paghihimagsik sa gobyerno .

Makabubuting ipaliwanag na mabuti ng Malacanang ang mga dahilan kung bakit nai-veto ng Presidente ang Magna Carta for the Poor. Maituturing itong ambisyosong batas na hindi naman kakayaning ipatupad. Sawang-sawa na ang taumbayan sa mga sinasabing magagandang batas pero hindi rin naman umeepekto dahil hindi tama ang implementasyon at problema ang kakapusan ng budget.

ANG MAGNA CARTA

AYON

BATAS

MAGNA CARTA

P-NOY

PERO

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

SANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with