^

Punto Mo

Ang tasa o ang kape?

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

NAGKAROON ng reunion ang isang section sa high school  sa bahay ng kanilang dating class adviser. Pagkatapos ng kainan ay naghain ang titser ng kape. Sa gitna ng pagkukuwentuhan, hindi maiwasang banggitin ang kanya-kanyang problema sa buhay na kadalasa’y tungkol sa career, lovelife, pamilya.

Nagsalita ang dating titser: Inobserbahan ko kayo kanina nang magtimpla kayo ng kape. Bawat isa sa inyo ay pinili ang tasang may magandang kulay at design. Ang tasang hindi maganda ang design at kulay ay naiwan sa mesa. Pero kung inyong iisipin, walang epekto ang design ng tasa sa lasa ng kape. Kape pa rin ang lasa nito anuman  ang uri ng tasang  gagamitin.

Kung gagamit tayo ng analogy, ang buhay ay kahalintulad ng kape. Ang career, pera at ang posisyon mo sa society ay kahalintulad sa tasa. Dahil nagko-concentrate tayo sa tasa, hindi natin ma-enjoy ang masarap na lasa ng kape. Nilalasap natin ang kape, hindi ang tasa.

The happiest people don’t have the best of everything; they just make the best of everything. Kadalasa’y walang maipagmamalaking yaman ang taong may maligayang buhay basta’t ipinagmamalaki  niya at pinagyayaman ang anumang bagay na mayroon siya.

 

BAWAT

DAHIL

INOBSERBAHAN

KADALASA

KAPE

NAGSALITA

NILALASAP

PAGKATAPOS

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with