Ang dalawang isda na mahaba ang buhay
ROUGHEYE ROCKFISH (Sebastes aleutianus) – Ang isdang ito ang sinasabing pinaka-mahaba ang buhay sa lahat ng mga lamandagat. Mahaba ang buhay ng isdang ito sapagkat matatagpuan sa pinaka-malalim na bahagi ng dagat. TinaÂtayang nasa pagitan ng 560 feet at 2,200 feet below sea level ang isdang ito ay matatagpuan lamang sa Pacific Ocean.
Mahaba rin ang buhay dahil mayroon umano itong 10 spines sa ibabang bahagi nang malalaki nitong mga mata. Mabagal umanong lumaki ang mga isdang ito. Tinatayang nabubuhay nang hanggang 200 taong gulang ang isdang ito. Ang pinaka-matandang naitala ay nabuhay ng 205 taon.
ANG ISDANG KOI – Nabubuhay umano ang Koi ng 50-taon. Subalit ang isdang Koi, tinawag na si Hanako ay pinaniniwalaang nabuhay ng 226 na taon. Namatay si Hanako noong 1977.
Batay sa report, ipinanganak si Hanako noong 1751, panahon na kaiimbento lamang ni Benjamin Franklin ang electricity. Ibig ding sabihin, buhay na si Hanako nang lagdaan ang declaration of independence at nang maganap ang French revolution.
Malalaman umano ang edad ng isdang Koi sa pamamagitan ng pagbilang sa rings ng kanyang mga kaliskis, walang ipinagkaiba sa pagbilang naman ng edad ng punongkahoy.
- Latest