^

Punto Mo

EDITORYAL - Mabagal na resolution hatid ay problemang patung-patong

Pang-masa

SISIHIN ang Commission on Elections (Comelec) sa mga problemang nagsulputan ngayon kaugnay sa mabagal na pagbibigay ng resolusyon sa election protest. Kung kailan matatapos na ang termino ng na­nalong kandidato  ay saka lamang nadedesisyunan ang mga kaso. At ang matindi, ayaw umalis ang nakaupong opisyal sapagkat illegal daw ang pagpapaalis sa kanya. Patung-patong at sapin-sapin ang mga problema.

Saan naman nakakita na ilang araw na lang ang nalalabi sa termino saka lalabas ang resolusyon na nagsasabing ang talunang kandidato ang nanalo at dapat nang i-vacate ng kasalukuyang nakaupo ang inaangking puwesto.

Ganito ang nangyayari ngayon sa Imus, Cavite kung saan ay inutusan ng Supreme Court na bakantehin ni Mayor Emmanuel Maliksi ang puwesto upang ibigay sa kalaban  nitong si Homer Saquilayan. Ang resolusyon ay nag-ugat sa sinampang kaso ni Saquilayan noong 2010 laban kay Maliksi. Lumalabas na lumamang si Saquilayan kay Maliksi. Ang nakuhang boto ni Saquilayan ay 48,521 votes samantalang 40,092 kay Maliksi. Nagbabarikada sa municipal hall ang mga supporters ni Maliksi sapagkat ayon sa kanila, walang bisa ang pinalabas na writ of execution ng Comelec na nag-aalis sa kanya sa puwesto. Hindi rin daw dapat Comelec ang magbibigay ng utos kundi ang Regional Trial Court. Ayon sa supporters ni Maliksi, hindi sila aalis sa munisipyo.

Ang kaso nina Maliksi at Saquilayan ay isa lamang sa maraming problema na hindi agad maresolba ng Comelec. Bakit kailangang tumagal ng ilang taon ang pagbibigay ng resolusyon? At kung kailan pa malapit na ang election saka nagkapatung-patong ang problema. Ang oras na dapat ay iukol ng Comelec sa paghahanda sa May 13 elections ay nasasayang sa pagresolba sa samu’t saring protesta ng natalong kandidato.

AYON

BAKIT

COMELEC

HOMER SAQUILAYAN

MALIKSI

MAYOR EMMANUEL MALIKSI

REGIONAL TRIAL COURT

SAQUILAYAN

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with