Lampong (240)
“S AAN kaya pupunta si Jinky, Tina?†tanong ni Dick.
“Hindi sinabi Sir Dick. Ang suspetsa ko, baka pupunta sa supplier ng kuhol.â€
“Yung bagong supplier ng kuhol, Tina?â€
“Baka po.â€
“Sige Tina, susundan ko si Jinky.â€
“Mabilis pong maglakad si Mam Jinky. Baka po hindi mo maabutan.â€
Mabilis na lumabas si Dick. Kailangang magmadali siya para maÂabutan si Jinky. Mabilis itong maglakad.
Halos magtatakbo si Dick sa pagsunod kay Jinky. Hindi na nga niya matanaw si Jinky. Nasaan na kaya?
Nang makaraan sa mga pilapil ay mabilis na nagtatakbo si Dick. Walang puknat. Sa dakong kakahuyan siya nagtungo. Wala namang ibang maaaring puntahan si Jinky kundi sa kakahuyan. Doon lang ang daan para makalabas sa highway. Kung doon sa dating lugar pupunta si Jinky dadaanan ang sapa na nakita niya noong isang araw.
Nagtatakbo pa si Dick. Pero hindi pa rin niya makita si Jinky. Baka kung saan nagdaan. Pero ipinagpatuloy pa rin niya ang pagtakbo. KailanganÂg makita niya si Jinky. Baka inaabangan na siya nina Pac at Momong. At anong magagawa ni Jinky? Kahit pa may baril si Jinky, hindi siya uubra sa mga halang ang kaluluwa.
Humihingal na si Dick. Hanggang sa makarating na siya sa kakahuyan. Natatandaan ni Dick ang daan. Patungo ito sa sapa. Hindi siya maaaring magkamali.
Binilisan ni Dick ang paglalakad. Ito nga ang daan patungo sa sapa.
Hanggang sa marinig ni Dick ang lagaslas ng sapa.
Atg lalo siyang nagulat sapagkat nasa pampang ng ilog si Jinky. Nakatingin sa malinaw na tubig.
Ang kasunod na tanawin ang naging kapana-panabik kay Dick. Maliligo si Jinky. Hinuhubad na ang jacket! Hindi humihinga si Dick sa kinaroroonang malagong damuhan.
(Itutuloy)
- Latest