^

Punto Mo

Kunin n’yo na si SPO4 Obet Chua!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

IKINALAT ni SPO4 Roberto “Obet” Chua na sa Mindanao na siya naka-assign para pagtakpan ang “tong” collection activities niya sa Maynila. Si Obet Chua kasi mga kosa ang nag-iikot sa mga pasugalan sa Maynila para ikolekta ng lingguhang intelihensiya ang mga unit ng CIDG tulad ng NCR, SOT at iba pa. Kasama sa kinokolektahan ni Chua ay itong mag-asawang Romy at Tina Gutierrez, ang nasa likod ng video karera operations sa Manila. Kapag ibinulgar kasi na sa Mindanao naka-assign si Obet Chua mga kosa, ang isasagot ng Camp Crame ay wala silang personnel na naka-assign doon na ang pangalan ay SPO4 Roberto Chua. At absuwelto si Chua sa kaparusahan, di ba mga kosa?  Sa totoo lang, si Chua, ay naka-assign sa ngayon sa Maritime Command sa Camp Crame. Ang galing ng depensa ni Chua ‘no mga kosa? Si PO2 Edmund de Jesus naman ay gumagamit ng alyas na Solomon habang kinokolekta ng lingguhang intelihensiya ang amo nya na si Chief Insp. Carlo Manuel, ang hepe ng Manila Field Office ng CIDG. Ang mga pakana nina Chua at De Jesus ay ilan lang sa mga gimik ng mga pulis para mapaglalangan ang “no take, no contact” policy ni CIDG director Chief Supt. Frank Uyami Sa ngayon, puro sibilyan na ang gamit ng mga unit ng CIDG para matuloy lang ang mga take nila sa mga pasugalan. Kaya pag nagkataon, si Uyami lang ang uuwing luhaan dito sa “no take, no contact” policy niya, di ba mga kosa?

Sa ngayon, ang namumutawi sa mga bibig ng mga tong collector ay ang mga katagang “quiet and peaceful” o Q&P sa kanilang ilegal na gawain. Siyempre, sa Q&P kakutsaba nila ang mga gambling lords na itinutuloy naman ang weekly grasya ng mga CIDG units dahil nakalaan naman sa kanila ang pitsa. Sino ba ang aayaw sa pitsa? Si Uyami lang kaya, di ba mga kosa? Pero ang mga CIDG units naman ay kunwari walang natatanggap mula sa gambling lords. He-he-he! Mabibisto rin kayo ni Uyami! Dito sa Q&P, nabura ang tinatawag nilang bidding sa weekly tong collection ng mga CIDG units at nawala rin ang katagang “hirit.” At dahil puro sibilyan na ang kumikilos para sa CIDG units, sino ang huhulihin ng mga “anghel” na tauhan ni Uyami? Para ma-entrap ang mga ito, kailangan nila ang cooperation ng mga gambling lords at sino naman sa kanila ang mangahas na gawin ito? Unless na gusto ng gambling lord na magsara na ng negosyo. Get’s nyo mga kosa?

Wala naman akong personal na away kay Obet Chua. Subalit sinabi ng kababayan ko na si Chief Supt. Henry Losanes, hepe ng Maricom, na si Chua ay bitbit ni Sr. Supt. Asher Dolina na nalipat na bilang ex-O ng Directorate for Operations. Naiwan si Chua sa Maricom at tuloy ang tong collection niya. Ayon kay Losanes, kakausapin niya si Dolina na kunin na si Chua at baka mada­may pa ang unit niya sa masamang gawain nito. Inamin naman ni Supt. Danilo Macerin, deputy chief ng CIDG NCR na gamit nila si Chua noon subalit pinatigil na nang magdeklara ng “no take, no contact” policy si Uyami. Kung patuloy na umiikot si Chua, wala na ang basbas ni Sr. Supt. Roberto Fajardo, hepe ng CIDG NCR, ani Macerin.

Dapat sigurong irekomenda    rin ni Uyami na itapon sa Minda-nao si Chua para magkatotoo ang wish niya, di ba mga kosa? ‘Yan ay para malinis ni Uyami  ang CIDG unit na kinokolekta nya ng tong sa kalye.

May karugtong!

 

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

CHUA

CIDG

KOSA

OBET CHUA

PARA

UYAMI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with