Lampong (234)
PINATAKBO nang maÂbilis ni Mulo ang traysikel. Umatungal ang traysikel. Bumuga nang mapuÂting usok. Handa si Mulo na makita ang traysikel na sinasakyan ni Jinky.
“Napakabilis magpatakbo ng drayber na iyon. Nawala agad!†sabi ni Dick na nakaangkas kay Mulo.
“Meron po kasing mga drayber dito na walang pakialam kung magpatakbo lalo na kapag babae ang sakay. Akala yata ay sila lang ang nasa kalye.â€
“Sa palagay mo, hindi naman nagdo-droga ang traysikel drayber na yun Mulo?â€
“Posible po. E napaka-bilis niyang magpatakbo. Biglang nawala!â€
“Oo nga. Nung sumakay ako sa’yo natanaw ko pa at nang tumingin uli ako, wala na.â€
“Baka naman biglang kumaliwa o kumanan, Sir Dick?â€
“Mayroon bang mga kalÂsada rito na maaaring puntahan pa?â€
“Meron po.â€
Nakita nila ang isang maliit na kalsada sa kaliwa.
“Hindi kaya diyan sa kalsadang ’yan, Mulo?â€
“Puntahan po natin. Kung diyan nagtungo, tiyak na masasalubong natin dahil dead-end po ‘yan.â€
“Sige Mulo, ikaliwa mo.â€
Ikinaliwa ni Mulo at maÂrahan nilang tinakbo ang kalsadang sementado.
“Bakit mo po sinusundan si Mam Jinky, Sir Dick?â€
Ikinuwento ni Dick.
“Kaya pala alalang-alala ka Sir Dick. Baka may sumalbahe kay Mam Jinky.â€
“Oo. Pinagbantaan kasi ng dalawang lalaki.â€
Malayo na ang natatakbo ng traysikel. Hanggang sa marating nila ang ilog.
“Hanggang dito na lang po. Dead-end na.â€
“Yan bang sapa na ’yan ay saan konektado?â€
“Pagkaalam ko, galing ’yan doon sa malapit sa itikan nina Mam Jinky. Yun pong tubig na galing sa sapa ang dumadaloy sa mga pilapil.â€
“Kanina habang sinuÂsundan ko si Jinky, may nadaanan kaming malinaw na sapa. Siguro, konektado ’yun diyan.â€
“Siguro po.â€
“Sige bumalik na tayo, Mulo. Baka sa susunod na kanto nagtungo ang traysikel.â€
Pero hindi rin nakita ang traysikel na sinakyan ni Jinky. Nag-aalala si Dick. Ginabi na sila sa paghahanap.
“Wala talaga Sir Dick.â€
Gulung-gulo ang isipan ni Dick. Baka may nangyari kay Jinky.
(Itutuloy)
- Latest