‘Summer promos’
BAGO pa man dumating ang tag-init at bakasyon para sa karamihan, maaga pa lamang nag-uumpisa nang magplano at maghanda para sa kanilang pupuntahang lugar.
Sa internet ang kalimitang takbuhan ng mga naghahanap ng mapagbabakasyunan o summer getaway kung saan madidiskubre ang iba’t ibang mga pakulo at pa-promo ng mga travel agencies o resorts.
Subalit payo ng BITAG sa lahat na kuwidaw sa mga sumaÂsangguni gamit ang internet baka mahulog ka rin sa mapang-akit na imbitasyon ng mga manloloko. Estilo ng mga kawatan na akitin ang kanilang mga potensiyal na kliyente sa pamamagitan ng pagpapakilala na konektado sila sa travel agencies o resorts at pagbibigay nang napakamurang halaga kapalit ng kanilang serbisyo.
May mga pagkakataong inaalok din nila ng malaking diskuwento at sari-saring pa-promo o freebies ang sino mang kakagat sa kanilang pain upang hindi na ito umatras at tuluyang makipagnegosasyon na sa kanila.
Subalit sa oras na maihulog na ang kanilang paunang bayad, hindi na muling makakausap ng biktima ang mga suspek dahil tuluyan na itong tatakas at magtatago.
Kaya bago mapag-book ng anumang reservation sa mga website na hindi ka pamilyar, maniguro at manaliksik muna. Sa halip na magtiwala sa estrangherong nagpapakilalang kabahagi sa promo, bakit hindi na lamang dumiretso sa mismong kumpanya.
Payo ng BITAG sa lahat na ngayong darating na bakasyon, maging listo at magduda lalo na kung ang napakamura ng alok nito kumpara sa totoong halaga na nararapat para sa kanilang serbisyo.
Subaybayan ang BITAG Live sa Aksiyon TV Channel 41 at Radyo 5 92.3fm, araw-araw, 10 am-11am; Pinoy U.S. Cops-Ride Along at BITAG tuwing Sabado sa PTV Channel 4, 8:30 pm - 9:00 pm at 9:15 pm-10:00 pm.
Para sa inyong mga sumbong at tips magpadala ng text message sa 09192141624 o mag-email sa bahalasitulfo@hotmail.com o magsadya sa BITAG Headquarters #299 Syjuco Bldg. Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City tuwing araw ng Miyerkules, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
- Latest