^

Punto Mo

Batang lalaki, nagkorteng baril ang kinakaing tinapay, pinagalitan at pinauwi ng teacher!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

UMIIYAK ang 7-anyos na si Josh Welch nang dumating mula sa school. At nang tanungin ng kanyang mga magulang kung bakit siya umiiyak, sinabi nitong pinagalitan at pinauwi siya ng kanyang teacher. Ang dahilan, korteng baril ang baon niyang tinapay! Shock ang mga magulang ni Josh. Hindi nila akalain na dahil sa tinapay na korteng baril ay masususpende ang kanilang anak.

Nag-aaral sa isang school sa Baltimore, Maryland si Josh. Araw-araw ay nagbabaon siya ng tinapay at iyon ang kinakain niya sa breaktime.

Habang kinakain daw niya ang baong tinapay, nakatuwaan niyang kortehan iyon ng hugis bundok. Tuwang-tuwa siya sa hugis ng mga bundok. Kinortehan niya sa pamamagitan ng pagkagat sa mga gilid ang tinapay.

Subalit sa halip na bundok, korteng baril ang nagawa niya. Nakita ng teacher ang ginagawa niya at agad siyang pinagalitan. Suspendido siya ng dalawang araw dahil sa tinapay na hugis baril. Hindi raw dapat ginagawang biro ang pagkain at hugis baril pa ang ginawa.

Sabi naman ng ama ni Josh, “Nasisira na yata ang bait nila. Tinapay lang yun at hindi baril!”

ARAW

BARIL

HABANG

JOSH WELCH

KINORTEHAN

NAKITA

NASISIRA

SABI

SUBALIT

TINAPAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with