^

Punto Mo

‘Si Kaibigang Jack’

- Tony Calvento - Pang-masa

ISANG malaking hamon mula sa National Food Coalition (NFC) ang sinagot ng kaibigan kong si UNA Senatorial bet Cagayan Rep. Jack Enrile ukol sa tanong sa mga kumakandidato sa pagka-senador ngayong Eleksyon sa Mayo 2013. “Anong gagawin mo para wakasan ang kagutuman ng labing anim na milyon at limang daang libong(16.5M) Pilipino?” Isang masinsin at may stratehiyang plano ukol sa produksyon ng pagkain ang sagot ni Jack dito. Sa inakda niya sa kongreso na House Bill 4626 o ang ‘Food for Filipinos First’ Bill, layon ditong tukuyin ang pangangailangan sa pagkain mula sa lahat ng mga probinsya sa buong bansa. Sa mga nakitang pag-aaral ni Jack ukol sa usapin ng kagutuman sa bansa, napuna niya ang malaking kakulangan sa pagbuo ng pang-matagalang solusyon ukol dito.

Pinangunahan na niya sa kanilang distrito sa Cagayan ang iba’t-ibang proyektong makakapagpa-angat sa teknolohiya sa agrikultura tulad ng sistema sa patubig, at maayos na mga kalsada para sa mabilis na pagpapadala ng mga produkto mula bukid direkta sa mga pamilihan. Para kay Jack, ito ang makakatulong para bumaba ang presyo ng mga bilihin. Hinihimok niya ang mga pamunuan ng bawat probinsya na ukol sa pagbuo ng pang-sampung taon na plano na tutugon sa problema sa kagutuman. Malaki ang nakikitang potensyal ni Jack sa aspekto ng agrikultura ng ating bansa. Naniniwala siyang ang wastong pagpapasa ng mga panukalang batas, mga dekalidad na imprastraktura at sapat na pondo ang makakapaghatid sa ating bansa tungo sa pagsasarili sa produksyon ng pagkain (“food sovereignty”). Ngayon ang tampok na pitak namin…

* * *

Nagsadya si Mardonio “Marson” Mangasar Jr., isang ‘telecom engineer’ sa Saudi Arabia sa aming tanggapan dahil sa hindi pagtupad sa napag-usapan ng isang ‘telecommunication company’ ang Saudi Media System na buong akala niya ito na ang ikagiginhawa ng kanyang buhay. Taong 1996…sa isang mapanganib na lugar ang Libya pumunta siya dun. Hindi na niya inantala ang mga panganib sa ilalim ng diktador na rehimen na pinamumunuan ni Muammar al-Gaddafi. Nagtrabaho siya dun bilang ‘communication engineer’. Isang taon lang ang kontrata niya kayat matapos yun kailangan niyang humanap ng ibang kompanya. Taun-taon siyang umuuwi. Ika-26 ng Oktubre 1999 diretso siyang nakapasok sa Saudi Media System. “Nung nasa NATEL ako nagkaroon ng problema yung High Power Amplifier (HDA). Ito kasi ang pinakapuso ng telecommunication kaya hindi pwedeng hindi maayos kaagad,” kwento ni Marson. Pabakasyon na siya nang mga panahong yun, nakuha ni Marson ang pagkakataon para magpakitang gilas. Sa loob lang ng apat na oras nasolusyunan ito ni Marson. Pagkatapos niya itong maresolba agad siyang binigyan ng sulat na nagsasabing gusto siyang papanatilihin sa kompanya. Hindi siya nakatanggi. Sa ganda ng takbo ng karera ni Marson hindi niya aakalaing magkakaroon siya ng problema pagdaan ng mga taon. Ika-21 ng Hunyo 2012, pumirma siya ng kontrata sa Saudi Media System bilang ‘lead engineer’ pero ang naging posisyon niya ay ‘Senior Technical Engineer’. “Mababa ang sweldo dito. Sa halip na nasa field ako nakatengga lang ako sa opisina,” sabi ni Marson. Kahit na hindi naging tugma ang posisyon niya sa nakalagay sa kontrata ginawa pa rin ni Marson ng maayos ang kanyang trabaho. Nagtaka lang siya nang may matanggap siyang sulat mula sa opisina ang “Termination of Employment”. Ayon sa sulat nagkaroon daw ng desisyon ang management na magbawas ng mga trabahador at isa siya sa masisibak. Nobyembre 30, 2012 ito epektibo. “Hindi ko nagustuhan yung nabasa ko. Pumirma ako ng dalawang taong kontrata tapos bigla nila akong ite-terminate?” naguguluhang tanong ni Marson. Ayon pa sa kanya binibigyan siya ng bagong kontrata ng Saudi Media System at malilipat siya ng departamento. “Dun daw nila ako ilalagay sa Audio Video Department. Ayokong tanggapin dahil mas mababa ang sahod,” kwento ni Marson. Hindi siya pumayag sa bagong iniaalok kaya naman ibinili siya ng tiket pauwi ng Pinas. Disyembre 1, 2012 nang makauwi siya sa bansa. “Hindi nila sinunod ang naging kontrata namin. Basta na lang nila ako tinanggal. Wala silang ibinigay na konkretong dahilan kung bakit nila ginawa yun,” wika ni Marson.

Itinampok namin sa aming programang “CALVENTO FILES” sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 3:00pm-4:00pm at Sabado 11am-12pm) ang problemang ito ni Marson. BILANG AGARANG AKSIYON, humingi kami ng tulong sa pamamagitan ng pagsulat kay Consul General Red Genotiva ng Saudi sa pamamagitan ni Usec. Rafael Seguis ng Department of Foreign Affairs (DFA). Tinanong namin kung maaari bang magsampa ng kaso itong si Marson laban sa Saudi Media System kahit wala siya doon. Nangako naman sila na aaksiyonan nila ang inilalapit naming reklamo. SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, kasong ‘Breach of contract’ ang maaaring kaharapin ng Saudi Media System dahil sa ginawa nilang pagtanggal kay Marson ng wala namang sapat na basehan. Ang isang kontrata na pinipirmahan ng dalawang partido ay proteksiyon ng magkabilang panig at ang mga kondisyones na nakalagay dun ay kailangang maipatupad. Meron din namang garantiya ang kompanya na bilang kawani hindi mo na lang basta iiwan sa ere ang iyong mga tungkulin. Aminado kami na mahirap din ang posisyon nitong si Marson dahil kailangan bago siya umalis ng Saudi nagsampa na siya ng kaso. Wala siyang ahensiya para gawin ito para sa kanya ngayon at di naman niya kayang magpunta doon dahil sa laki ng gastusin kayat ito’y inaasa namin ngayon sa DFA na sila ang magtutuloy ng laban para kay Marson.  (KINALAP NI CHEN SARIGUMBA) Sa gustong dumulog sa aming tanggapan, ang aming mga numero, 09213784392 (Pauline) 09198972854 (Monique) o 09213263166 (Chen). Ang landline 6387285 at ang 24/7 hotline 7104038 o magpunta sa 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Biyernes.

MARSON

NIYA

PARA

SAUDI

SAUDI MEDIA SYSTEM

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with