‘Registered in tandem’
MARAMING promo ang ginagawa sa sales at marketing (pangangalakal). Pakiramdam mo VIP kang inaasikaso kapag bumibili pero pag nakuha na at nagkaproblema para kang trapong isinasantabi.
Magkahalong inis at pagkadismaya ang nararamdaman ni Luzviminda Magbag o Luz, 30 taong gulang ng Valenzuela City nang magtungo siya sa aming tanggapan upang idulog ang problema nila sa nabiling motor. Ikinabubuhay ng kanilang mag-anak ang ‘sari-sari store’ na pagmamay-ari nila ng asawang si Jomel. May dalawa silang anak na parehong nasa elementarya. “Mahirap kasi kapag namimili kami ng paninda, wala kaÂming sasakyang magamit,†kwento ni Luz. Dati silang nakatira sa Meycauayan, Bulacan kaya naisip nilang mag-asawang bumili ng motor sa Wheeltek Motor Sales Corporation Meycauayan Branch. “Nung unang punta namin dun nagtanong kami kung ano ang mga units nila at kailangan naming ihanda para makakuha kami ng hulugang motor,†salaysay ni Luz. Nagpasa sila kaagad ng mga dokumentong hiningi tulad ng ‘barangay clearance’, ‘business permit’ ng kanilang sari-sari store at ilan pang dokumentong makakapagpatunay na kaya nilang magbayad ng hulog kada buwan.
“Pagbalik namin sa Wheeltek nagdala na kami ng 6,500PHP bilang down payment,†wika ni Luz. Ang buong halaga ng motor na kailangan nilang mabuo ay 135,385PHP. Ang model, Honda TMX155, kulay itim. Ang usapan nila 3,200PHP kada buwan ang ihuhulog ng mag-asawa. Ang kontrata ay tatakbo ng tatlong taon. “Sabi nila kapag nakapaghulog na kami pwede nang iuwi ang motor, ganun lang kabilis,†kwento ni Luz. Kinuha na agad ng mag-asawa ang motor. Habang di pa umano buo ang bayad nila ‘photocopy’ lang muna ng mga dokumento ang sa kanila. Ipinakita umano sa kanila ang kopya ng resibo at ‘certificate of registration’ nito. Ang Wheeltek pa ang nakalagay na may-ari. Sa dalawang buwan nilang paghuhulog wala silang palya. Hulyo taong 2012 nakuha nila ang kopya ng OR/CR ng motorsiklo. Tuwang-tuwa ang mag-asawa dahil hindi na magagarahe ang kanilang hinuhulugang sasakyan. Inisip kasi nilang hindi ito pwedeng imaneho dahil wala silang dokumento. Binasa nila ang bawat letrang nakalagay, sunud-sunod ang mga katanungang pumasok sa kanilang isipan.
“Pagtingin namin, iba ang pangalang nakalagay imbes na Jomel Feliciano… Romel Feliciano ang nakasulat,†wika ni Luz. Nung una inakala nilang nagkaroon lang ng ‘typographical error’ ngunit nang mabasa nila ng buo ang dokumento, napansin nilang maging ang address ng tirahan ay iba rin. Agad nila itong kinuwestiyon sa opisina at ang sagot umano sa kanila “Sige po aayusin namin ’yan kaagad.â€
“Hindi na naman namin magamit ang motor dahil hindi naman pangalan ng asawa ko ang nakalagay sa dokumento,†ayon kay Luz. Naghintay umano sila na matupad ang ipinangako ng Wheeltek. Pabalik-balik sila sa opisina nito at pare-pareho lang ang sinasabi “Aayusin po namin ito.â€
“Nag-antay lang kami at nagtiwala sa kanila, inisip namin na baka napaghalo lang nila yung mga impormasyon,†sabi ni Luz.
Nitong huli, wala na umanong maibigay na petsa ang Wheeltek kung kailan talaga nila maaayos ang titulo ng motorsiklo na dapat ay nakapangalan na sa mag-asawang Feliciano.
“Tumawag kami sa main office nila, saka pa lang sila kumilos,†salaysay ni Luz. May nakuha rin umano silang kopya ng ‘certificate of registration’ pero parang dinoktor (tampered) ang letra. Nagsadya sila sa Land Transportation Office (LTO) para makasiguro, mali pa rin ang nakarehistro, Romel Feliciano pa rin ang nakalistang may-ari. Kinapanayam din namin ang Asst. Regional Director ng LTO NCR na si Benjamin Santiago upang humingi ng payo tungkol sa usaping ito. Ayon sa kanya ang ‘dealer’ umano ang kailangang mag-ayos nito dahil sila ang may kontak sa kliyente at hindi ang LTO. Magkakaroon lang sila ng komunikasyon pagkatapos ng tatlong taon, kapag kailangan nang iparehistro ulit ang sasakyan. Doon din malalaman kung may mga aberyang nangyari. “Kailangan ding tingnan kung saan ito narehistro. Magsadya na lang sa aming tanggapan para mabigÂyan namin kayo ng endorsement sa LTO Meycauayan,†wika ni Asst. Regional Director Santiago.
Itinampok namin sa aming programang “CALVENTO FILES†sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 3:00pm-4:00pm at Sabado 11:00am-12pm) ang problemang ito ni Luz.
BILANG TULONG, tinawagan namin ang Wheeltek at nakausap namin si Ms. Evelyn Manayan, ng Human Resources (HR) Department. Ayon sa kanya makikipag-coordinate sila sa Meycauayan branch para makuha nila ang mga impormasyon tungkol dito at sa reklamo ng mag-asawang Feliciano. Ieendorso rin umano nila ito sa ‘registrar office’ para maayos na ang mga papeles.
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, kadalasan kasi ang mga ‘motorcycle dealers’ hindi paisa-isa ang pagpaparehistro ng mga motorsiklo. Hinihintay muna nilang maging sampu o dalawampu para maging isang lakaran na lamang. Maaaring nagkalituhan lamang sa pag-type ng mga ‘entries’ ng impormasyon kaya ganyan ang nangyari.
Sa dulo, ang responsibilidad ay bumabagsak sa mga kamay ng Wheeltek at i-‘deliver’ nila ang ‘duplicate copy’ na naitama na. Kelan n’yo ba balak gawin ’to? (KINALAP NI CHEN SARIGUMBA) Sa gustong dumulog sa aming tanggapan, ang aming mga numero, 09213784392 (Pauline) 09198972854 (Monique) o 09213263166 (Chen). Ang landline 6387285 at ang 24/7 hotline 7104038 o magpunta sa 5th floor City State Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Biyernes.
- Latest