Ang kamay ni nanay
ISANG lalaking nagtapos sa sikat na unibersidad ang nag-aaplay sa supervisory position ang iniinterbyu ng company director. Ito na ang kanyang last interview at dedesisyunan na kung tanggap siya o rejected.
Nirebyu ng company director ang CV (Curriculum Vitae) ng aplikante at humanga siya sa mga accomplishments nito mula secondary school hanggang sa graduate school. Sa interbyu, napag-alaman ng director na ulila na sa ama ang aplikante. Labandera ang kanyang ina at sa hanapbuhay na ito nanggaling ang ipinagpaaral sa kanya. Napansin ng director na makinis ang mga kamay ng aplikante sa kabila ng kahirapan nito.
“Tinutulungan mo ba ang iyong ina sa paglalaba?â€, tanong ng director
“Hindi po. Gusto po ng aking ina na mag-concentrate lang ako sa aking pag-aaral.â€
“Pag-uwi mo ngayon sa inyong bahay ay hugasan mo ang kamay ng iyong ina. Bukas ay bumalik ka at mag-usap ulit tayo.â€
Pagkarating ay agad niyang hinanap ang ina na naroon sa labahan at nakayukayok sa pagkukusot ng santambak na damit. “Inay, halika dito at huhugasan ko ang kamay mo.â€
“Bakit?â€
“Basta po.†Kahit nagtataka ay tumayo ang ina at iniaabot sa anak ang kamay na nakukulapulan pa ng bula ng sabon.
Noon lang niya natitigan ang kamay ng kanyang ina na nanguÂngulubot dulot ng pagkakababad sa sabon. Nang binuhusan niya ng tubig ay bahagyang napa-aray ang ina. Kaya pala, may maliliit itong mga sugat dulot ng friction habang nagkukusot ng damit at matapang na kemikal ng sabon. Napakagat-labi ang anak sa sobrang awa sa ina. Saka lang niya naisip na ang mga sugat sa kamay ng kanyang ina ang naging instrumento para matamo niya ang magandang edukasyon. Umaapaw ang kanyang emosyon, hindi niya napansin na hinahalikan niya ang kamay ng ina.
Hindi kinaya ng ina na tapusin ang labahin. Umidlip muna ito upang mag-ipon ng panibagong lakas. Sinamantala ng anak ang pagkakataon, tinapos niya ang labahin ng kanyang ina.
(Itutuloy)
- Latest