Tulad sa Bermuda Triangle: eroplano na may5 pasahero, biglang nawala
PALAISIPAN kung paanong nawala ang isang eroplano habang nasa Los Roques island, Venezuela noong nakaraang buwan. Isa sa mga sakay ng eroplano ay si Vittorio Missoni ang pinuno at owner ng Missoni Fashion Business. Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa natatagpuan ang eroplano at wala ring sightings sa limang sakay na ito.
Umano’y umalis ang twin-engine BN-2 Islander aircraft sa Los Roques island noong nakaraang Enero 4 patungong Caracas. Umano’y 11 milya pa lamang ang layo ng eroplano nang bigla itong mawala. Walang traced kung saan napunta.
Nagsagawa ng search and rescue operation pero walang resulta. Walang makita. Hanggang ngayon isang malaking misteryo ang pagkawala ng eroplano. Ayon sa report, sa loob ng 10 taon ay marami nang nawalang eroplano sa Los Roques kaya tinatawag itong “Los Roques curseâ€.
Ang pagkawala ng eroplano sa Los Roques ay nagpapaalala sa Bermuda Triangle kung saan marami na ring nawalang eroplano o barko. Ang Bermuda Triangle o the “Devil’s Triangleâ€, ay nasa western part ng North Atlantic Ocean. Hindi rin maipaliwanag ang mga pagkawalang nangyayari sa BerÂmuda Triangle. Isang malaking kaÂbabalaghan ang bumabalot sa Bermuda Triangle at ngayon naman ay sa Los Roques chain of islands.
- Latest