^

Punto Mo

Hanapbuhay

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

LAHAT ng klase ng “raket” ay ginagawa ko noong ako ay bata pa para kumita. Noong nasa grade school, nagtitinda ako sa school ng sampaloc candy, pulvuron, at pastilyas. May pagkakataong naglalako ako ng empanada at cake sa aming mga kapitbahay kapag summer vacation. Ang empanada at cake ay niluluto ng aking ina at tiya. Mabili ang aking paninda dahil natutuwa sa akin ang mga kapitbahay. Ikalawa na lamang dahilan ang masarap na lasa ng empanada at cake. Kinatutuwaan ako dahil bata pa raw ay marunong nang maghanapbuhay. Pagsapit ng high school ay nagpaluwagan naman ako. Dito ako kumikita ng maayos kaya iniwan ko muna ang pagtitinda ng kendi. May isa akong kaklaseng babae na marami laging pera. Siya lagi ang inaakit ko na sumali sa paluwagan dahil hindi lang isang slot ang kanyang kinukuha kundi tatlong slot. Dalawang piso kasi ang baon niya araw-araw. Nang mga panahong iyon, early 70s, ang average na baon ng pangkaraniwang estudyante sa isang private school ay 50 centavos per day. Bongga ka na kung piso ang iyong baon araw-araw!

Nagsisikap akong rumaket dahil sumasaya ang buhay ko kapag maraming pera. Pumapasok akong tagabalot sa pagawaan ng kendi kapag summer vacation. At para madagdagan ang kita ay suma-sideline akong tagahalo ng yema candy. Mabilis­ lang maghalo, init lang mula sa kalan (kahoy ang gatong) ang kalaban. Pero sige lang, tinitiis ko ’yun para pagsapit ng pasukan, paldong-paldo ang wallet ko.

Hanggang fourth year ay kaklase ko si Classmate na malaki ang baon. Na­ging magkaibigan na kami dahil suki ko na siya sa paluwagan. Fast forward. Seven years ago ay nabalitaan kong pumanaw na si Classmate. Ipinapatay pala siya sa hired killer ng isang taong may malaking pagkakautang sa kanya. Kinarir pala ni Classmate ang pagpapa-5/6. Naisip ko ang mga paghihirap ko noon, kumita lang ng kahit kaunting barya. Okey lang pala iyon. At least safe. Walang magagalit sa akin.

AKO

BONGGA

DALAWANG

DITO

HANGGANG

IKALAWA

IPINAPATAY

KINARIR

KINATUTUWAAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with