^

Punto Mo

Lampong (208)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“H­ANGGANG dito na lamang po tayo, Sir. Bumaba na ang babaing sinusundan mo.”

“Oo nga. Sa palagay mo ba malapit na rito ang bahay ng babae?”

“Siguro po. Baka sa kabila ng mga kakahuyang yan ang bahay ng babae.”

“Maaari mo ba akong hintayin dito? Susundan ko ang babae at aalamin ko kung saan ang kanyang bahay. Dadagdagan ko pa ng P500 ang ibinigay ko sa iyo kanina basta hintayin mo lang ako.”

Napangiti ang drayber sa sinabi ni Dick. Natakam sa panibagong P500 na kikitain.

“Sige po. Dito lang po ako maghihintay. Ang totoo po ay dito nakatira ang mga pinsan ko. Diyan lang po sila sa may tabing kawa­yanan. Dito po kasi ang dating kinaroroonan ng lupa ni Tatay.”

“E di tamang-tama pala. Kahit maghintay ka sa akin ng ilang oras ay hindi ka maiinip dahil may mga pinsan ka pala rito.”

“Opo Sir. Kahit pa po abutin tayo ng gabi rito ay walang problema.”

“Okey. Ano nga palang pangalan mo?”

“Mulo po.”

“Ako naman si Dick. Taga-Maynila ako, Mulo. Yang babaing sinusundan ko ay dati kong siyota pero nagka-break kami. At gusto ko sorpresahin siya. Gugu­latin ko siya.”

“Ah ganun po ba? Sige po, basta kailangan mo ang aking tulong ay narito lang ako. Basta po dito ang ating tagpuan.”

“Salamat, Mulo.”

“Sige po sundan n’yo na ang babae at mukhang nagmamadali. Marami si­guro siyang pakakainin dahil maraming bitbit.’’

“Sige Mulo. Siyanga pala, hindi ba delikado sa lugar na ito? Ibig kong sabihin, wala namang mga addict o kaya’y mga lasenggo na maaaring kumursunada sa akin.”

“Ay wala po. Mababait po ang tao rito sa Villareal. Wala pong naba­balitaan na may nangyari ritong krimen.’’

“Salamat uli, Mulo. Pa­natag na ang isip ko sa pagsubaybay kay Jinky.’’

“Jinky po ang pangalan ng siyota mo, Sir Dick?”

“Oo. Bakit narinig mo na ang pangalan niya, Mulo?”

“Parang narinig ko na po pero hindi ako sigurado.’’

“Sige saka na lamang tayo mag-usap. Aalis na ako Mulo.”

“Sige po Sir. Dito lang ako maghihintay.’’

Mabilis na sinundan ni Dick si Jinky. Mabilis maglakad si Jinky. Parang sanay na sanay sa lakaran. Mabigat ang bitbit nito pero parang walang anuman sa kanya. Parang araw-araw ay sanay sa mabigat na trabaho.

(Itutuloy)

AKO

DITO

JINKY

MABILIS

MULO

OO

OPO SIR. KAHIT

SIGE

SIGE MULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with