^

Punto Mo

Mga nakakalokang katotohanan, …tungkol sa pag-ibig:

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

11. Ang isang tao na inayawan o hiniwalayan ng kanyang lover ay nagkakaroon ng tinatawag na “frustration attraction”. Ito ’yung feeling na in love na in love pa rin ang isang tao sa kanyang “ex” sa kabila ng katotohanang “itinapon” na siya.

12. Simula pa noong unang panahon, itinuturing na ng mga Greeks na ang mansanas ay ultimate symbol ng love and sexual desire. Naging simbolo ito ng pag-ibig dahil ang mansanas ay nananatiling fresh kahit matagal na itong pinitas mula sa puno.

13. May paniwala sa Ireland na kapag nginuya ng babae ang four leaf clover habang iniisip niya ang lalaking crush niya, darating ang panahon na magkakagusto rin ang lalaki sa kanya.

14. Mas intense ang pag-ibig ng lalaki sa babae kung nagkakilala sila sa panahon na nanganganib ang babae at siya ang aksidenteng naging tagapagligtas nito.

15. Mas mabilis ma-in love ang isang tao kung naghahanap siya ng adventure, gustung-gustong humiwalay ng tirahan sa kanyang pamilya, malungkot, nag-iisa sa ibang bansa, nagsisimula sa bagong episode ng kanyang buhay at financially and psychologically ready para mag-asawa.

16. Naakit ang mga babae sa mga lalaking ambisyoso, may pinag-aralan, mayaman, nirerespeto sa komunidad, may sense of humor, at mas matangkad sa kanila. Type din nila yung may cheekbone at emphasize ang panga. Palatandaan daw iyon ng kakayahan sa pakikipagtalik at makapagbigay ng anak.

17. Ayon sa philosophical text na Symposium ni Plato, ang unang tao noon ay hermaphroditic beings  na may 4 na kamay, 4 na paa, 2 mukha at 2 sets ng genitals. Ngunit may ginawa ang tao na ikinagalit ni Zeus. Bilang parusa, hinati niya ang tao sa isang lalaki at babae. Tapos nilikha niya ang “pagnanasa” ng bawat isa na magtutulak upang sila ay ma-in love sa isa’t isa. At kapag isinakatuparan nila ang pagnanasang iyon sa pamamagitan ng pagtatalik, magiging “isa” silang muli, kagaya ng kanilang pinagmulan.

AYON

BABAE

BILANG

NAAKIT

NGUNIT

PALATANDAAN

TAO

TAPOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with