^

Punto Mo

Lampong (193)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PINAGMASDANG mabuti ni Dick ang ba­baing nasa photo. Hindi siya maaaring magkamali. Si Puri nga.

Binasa niya ang story. Natagpuang patay ang isang babae sa unit ng condo nito. May mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang babae. Nagkalat ang mga gamit sa loob ng unit. Ayon sa balita, nag-iisang naninirahan ang babae sa unit. Ayon sa pulisya, palatandaang nanlaban ang babae sa pumatay sa kanya. Wala naman daw nawala sa gamit ng babae. Pati ang mga pera at alahas ay hindi ginalaw.

Pagkatapos basahin ay nag-isip si Dick. Malaking palaisipan kung bakit pinatay si Puri. At nasaan ang kanyang matandang asawa.

Kinabukasan, inabangan ni Dick ang follow-up story ukol kay Puri. Pero maikli at walang binabanggit ukol sa matandang kabit ni Puri. Parang inulit lamang ang nakalathala sa unang araw. Pero sa dakong hulihan ng balita, isang testigo ang nagsabi na may nakita raw lalaking aali-aligid sa unit ilang araw bago natagpuang patay ang biktima. Para raw inaabangan kung anong oras nasa unit ang babae.

Sumunod na araw ay wala nang balita kay Puri.

Bagamat nabigla si Dick sa nangyari kay Puri, naisip niya, baka iyon ang kabayaran sa mga ginawa nitong pandaraya. Naniniwala siya sa karma. Malagim nga lang ang nangyari.

Napabuntunghininga si Dick. Ganoon lang pala talaga kaikli ang buhay ng tao.

Hanggang sa maisip niya si Jinky. Nasaan na kaya si Jinky? At paano na ang unit nito na tirahan ni Jinky? Doon pa rin kaya nakatira si Jinky? Ano kaya ang tunay na nangyari kay Puri. Maaaring alam ni Jinky ang lahat.

Kinabukasan, tinungo ni Dick ang dating tirahan ni Puri at Jinky. Gusto lang niyang malaman ang totoong nangyari kay Puri.

Pero nagulat siya nang makitang abandonado na ang unit. Wala nang tao roon.

(Itutuloy)

vuukle comment

ANO

AYON

JINKY

KINABUKASAN

PERO

PURI

SI PURI

UNIT

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with