^

Punto Mo

EDITORYAL - Hinahamon ang PNP

KAHAPON, isang negosyante na nag-withdraw sa banko nang malaking pera ang pinagbabaril ng isang lalaki at saka mabilis na tumakas. Nangyari ang pagpatay sa Greenhills, San Juan. Hindi naman nakuha ang pera sa pinatay na negosyante. Ang suspect ay maayos umano ang suot at hindi paghihinalaang mamamatay-tao. Ayon sa isang witness, napansin na niya ang lalaki na nakatayo malapit lang sa banko.

Naganap ang krimen habang pinatutupad ang election gun ban. Naganap ang krimen sa isang lugar na maraming tao at dapat ay may nagpapatrulyang pulis. Pero walang pulis kaya mabilis na nakatakas ang gunman sakay sa nag-aabang na motorsiklo sa di-kalayuan. Nangangapa ngayon ang PNP kung paano lulutasin ang pagpatay.

Noong Sabado ng gabi, napasok ng mga magnanakaw ang SM Megamall at binasag ang eskaparate ng isang jewelry store. Nakuha ang mga alahas. Nagpaputok pa ang mga magnanakaw para hindi sila masundan. Nakalabas ng mall ang mga magnanakaw. Nakapagtataka na walang nagpapatrulyang pulis ng mga oras na iyon sa bisinidad ng mall. Nasaan ang mga pulis na dapat ay nakaresponde sa biglaang pangyayari? Nalusutan na naman?

Nang araw ding iyon, isang pawnshop sa Cavite ang ninakawan din ng umano’y Martilyo gang at natangay ang maraming alahas. Mabilis ding nakatakas ang mga magnanakaw at walang pulis na nakapansin sa kanila. Wala ring pulis na nagpapatrulya.

Hinahamon ba ng mga criminal ang PNP? Kung kailan may gun ban, saka sila sumasalakay at hindi sila nahuhuli. Ilang pagpatay at pagnanakaw na ang ginawa makaraang ipatupad ang gun ban at lalong lumubha ang krimen.

AYON

CAVITE

GREENHILLS

HINAHAMON

ILANG

MABILIS

NAGANAP

NOONG SABADO

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with