NOONG Sabado ay gumising ako ng alas kuwatro ng madaling araw upang maghanda sa Run for Good Health fun run ng Cafe France para sa kanilang ikalawang anibersaryo. Sanay naman akong gumising ng maaga. Bukod sa sanay na dahil dalawang taon na rin akong pagising gising at puyat dahil sa aking Gummy, ganoon din sa trabaho - madalas din ang puyat at maagang pagba-ngon. Ang tanong lang ay madali ba para sa iyo ang bumangon ng sobrang aga? Ang mga sumusunod ang sikreto kong nais ibahagi sa inyo para maganda rin ang gising niyo araw-araw.
Maglagay ng unan o stuffed toy sa puwesto na una mong nasisilayan pag bukas mo ng mata mo. Ang maaliwalas na kulay ay rumerehistro sa iyong utak bilang positibong imahe. Siyempre apektado kaagad nito ang mood mo kahit subconsciously. Kung hindi man bagay na makulay kahit litrato - ng iyong anak, pamilya, crush, idol etc. Kung sino man ang inspirasyon mo at nagpapaalala sa iyo kung para kanino ka gumigising.
Napuna kong kapag may bulaklak akong nakikita sa umaga, parang ang saya-saya ko. Subukan ding maglagay ng flower vase na may tunay na mga bulaklak. Masarap din ang amoy nito.
Kung ikaw ay nag-alarm, bumangon kaagad sa unang tunog nito. Huwag ugaliin ang pagpindot sa snooze button. Napatunayan ng pag-aaral na ang oras na itinulog mo sa pagitan ng bawat alarm ng snooze ay mababaw na lamang kaya ang ending mo ay mas pagod kaysa kung bumangon ka kaagad sa unang tunog ng alarm, matapos mong matulog ng tuloy-tuloy. Kung hindi naman kailangang magkumahog sa umaga at may sapat na oras ka pa pagbangon bago pumasok sa paaralan o trabaho ay magmuni-muni ka muna tungkol sa mga bagay na gagawin mo sa araw na iyon.
Humarap sa salamin, ngumiti at may makikita kang ngumingiti rin sa iyo. Hindi ba’t masaya kung may sumusukli sa iyong ngiti?
Uminom ng isang basong tubig pagkagising. Instant energy ito dahil buong gabi ka hindi uminom ng tubig. Hirap magfunction ang katawan, lalo na ang utak mo kung kulang sa tubig.
Buksan ang bintana at papasukin ang araw sa iyong kuwarto at masdan ang maliliit na alikabok na lumilipad at sumasakay sa sinag. Nakakarelax. Iba rin ang tinatamaan ng sinag ng araw. Para kang niyayakap ng bagong umaga.
• Kurut-kurutin o haplusin ang pisngi. Magigising ka na, feeling nalambing ka pa. Positive energy na naman iyan! Isa pa, dahil parang mamasahihin mo ang iyong mukha gaganda ang sirkulasyon ng dugo, at gigisiÂngin mo ang bahagi ng iyong katawan mula sa pagkakatulog.
• Huwag matutulog nang maÂlungÂkot, galit o may kaaway. NaÂniÂniwala akong kung ano ang nadarama mo sa pagpikit mo ay siya mo ring madadala sa iyong pagmulat. Try mong matulog ng nakangiti!
• Magdasal bago matulog. Ano man ang inyong pag-aalala sa dumaang araw ay huwag nang dalhin sa inyong pagtulog para paggising kinabukasan ay isang panibagong araw na talaga. Iangat sa Kanya ang lahat ng pangamba at gigising kayong magaan ang pakiramdam.