^

Punto Mo

‘Abusadong amo’

BITAG - Ben Tulfo -

NAGING laman ng mga balita noong nakaraang taon sa diyaryo­, radyo at telebisyon ang kaso ng matinding pangma­ maltrato sa isang kasambahay ng kanyang mga amo.

Humarap sa kasong seven counts ng serious physical injuries, two counts ng attempted murder at serious illegal detention ang kontrobersiyal na mag-asawang Reynold at Anna Liza Marzan.

Matinding mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan at trauma ang natamo ng biktima dahil sa pananakit at pang-aabuso ng kanyang mga amo. Naging mainit na usapin ang pagkakabulag ng pobreng kasambahay na dulot ng hindi makataong pagtrato ng mag-asawang Marzan.

Subalit bago pa man mahuli ang mag-asawang Marzan, nauna nang na-BITAG ng aming programa ang kapatid ni Anna Liza Marzan na si Annabelle Catajan. Walang pinagkaiba ang reklamo ng mga kasambahay ni Annabelle sa mga sumbong laban sa mag-asawang Marzan. Tila nasa dugo ng magkapatid ang ugaling pangmamaliit at pagiging abusado sa kanilang mga kasambahay.

Mula sa nakatakas na kasambahay sa poder ni Annabelle, ikinuwento niya sa BITAG ang masahol pa sa hayop na trato ng kanyang amo.

Ilan lamang sa mga pang-aabusong nararanasan ng mga kasambahay ni Annabelle mula sa kanya ay pananampal, panununtok, pananadyak, pamamalantsa sa balat at pagbuhos ng mainit na tubig. Kung minsan pa ay napagkakatuwaan din daw ni Annabelle na painumin ng dura ang mga kasambahay at ipaamoy ang maseselang bahagi ng kanilang katawan sa isa’t isa.

Dahil dito, kilos prontong ikinasa ang isang rescue operation kasama ang BITAG at Quezon City Social Services and Welfare Development at Women and Children’s Protection Desk sa Camp Karingal.

Hindi tulad ng paglilitis sa mag-asawang Marzan, hindi umusad ang kaso ng pangmamaltrato ni Annabelle Catajan sa kanyang mga kasambahay.

Dahil sa kakulangan ng sapat na kaalaman hinggil sa kanilang mga karapatan, umaabot sa puntong naaabuso na ang ilang kasambahay ng kanilang mga amo.

Noong isang araw, naipasa na ang batas na Republic Act 10361 o Kasambahay Bill na magpo­protekta sa karapatan at seguridad ng mga kasambahay. Umaasa ang BITAG sa pagbaba ng bilang ng mga kasambahay na minamaltrato ng kanilang mga amo ngayong naisabatas na ang Kasambahay Bill.

ANNA LIZA MARZAN

ANNABELLE

ANNABELLE CATAJAN

CAMP KARINGAL

KASAMBAHAY

KASAMBAHAY BILL

MARZAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with