^

Punto Mo

Lampong(182)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KINABUKASAN din,   inasikaso ni Dick ang pagbili ng isang unit ng condo. May pera naman siyang pambili. Malaki na ang savings niya. Sobra-sobra pa sa pambili ng condo. Siya nga lang ang ayaw magbitaw ng pera dahil sa mali niyang paniniwala. Pero ngayon, natuto na siya. Gusto niya mayroon nang sariling tahanan. At kung muli siyang gugusto sa babae ay gusto na niya itong pakasalan at siyem-pre ay aanakan niya. Pero siguro ay matagal pa bago siya magkagusto. Masyado pang sariwa ang ginawa ni Puri na panloloko at pandaraya sa kanya. Sa ginawa ni Puri ay parang ayaw na niyang magtiwala sa babae. Ginawa siyang tanga! Kung tutuusin ay mas mabuti pa ang mga naunang babae na nakarelasyon niya. Yung si Sarah na nakarelasyon niya bago si Puri ay mahal na mahal siya. Pero dahil nga gusto ni Sarah na magkaanak at magpakasal kaya tinabangan siya. Sayang si Sarah. Siguro ay may asawa na iyon ngayon at baka may anak na.

Napabuntunghininga si Dick sa pagkakataong iyon. Marami siyang sinayang na relasyon. Pero ngayon, pagkatapos ng ginawa sa kanya ni Puri, isang leksiyon na ang natutuhan niya.

 

ISANG condo unit na ma-lapit sa mall, ospital at unibersidad ang napili ni Dick. Nakalipat na agad siya. Binayaran niya ng cash. Ang sarap palang matulog sa sariling tirahan. Sana noon pa niya ito naisip. Ang laki niyang tanga! Sabagay, wala namang pagsisisi sa una, laging nasa huli.

Isang umaga na nag-aalmusal siya at papasok na sa opisina ay nag-ring ang cell phone niya. Sino kaya itong agang-aga ay tumatawag.

‘‘Hello!’’

“Hello, Lampong! Kumus-ta ka Lampong?’’

“Kuya?’’

‘‘Ako nga. Kumusta ka na Lampong?’’

“Okey na ako Kuya. Natauhan na rin sa wakas.’’

‘‘Anong natauhan?’’

“Nakapag-isip-isip na ako Kuya.’’

“Aba magandang balita ‘yan. E di hindi na kita tatawaging Lampong kung totoo ang sinasabi mo.’’

“Totoo Kuya. May direksiyon na ako. Gusto ko na ngang magpakasal at magkaroon na rin ng anak.’’

“Aba talagang okey ka na nga ah. Mahusay siguro yung ka-lampungan mo ngayon at nakumbinsi kang magbago ng pananaw sa buhay. Ano nga bang pangalan ng babaing yun? Teka, Puri ang pangalan ano? Oo nga, Puri ang name niya.’’

Kunwari ay napasuka si Dick. Nandiri.

‘‘Yak!’’

‘‘O bakit ka nag-‘yak’?’’

“Wala na kami ng babaing yun Kuya. Tinarantado ako. Habang nakikipagrelasyon sa akin, e sumasideline sa iba. Gusto pala ay sa mapera. Mabuti at nadiskubre ko. Gagantihan ko sana pero nakapag-isip ako.’’

“Tama ang ginawa mo, Lampong. E sino ang ka-relasyon mo ngayon?’’

“Wala. Baka hindi muna. Saka na lang muna makipag­lampungan.’’

Nagtawa ang kuya.

(Itutuloy)

AKO

ANO

KUYA

LAMPONG

NIYA

PERO

SIYA

TOTOO KUYA

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with