^

Punto Mo

Lampong (180)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“S­ AAN naman nagpalaglag si Tita Puri?”

“Hindi ko alam. Na­ngi­labot nga ako. Hindi ko akalaing magagawa iyon.’’

“Paano mo naman nalaman na nagpalaglag siya?”

“Sinabi sa akin.”

Gimbal si Dick.

“Ipinagmalaki pa sa’yo?”

“Hindi naman actually­. Ayaw lang daw niyang magkaanak. Istorbo raw sa career ang bata. Hindi raw siya papayag na magkaanak. So nag-conclude ako na ipinalaglag niya ang pinagbubuntis. Wala naman siyang maga­gawang iba pa kundi ganoon.”

“Napaka-walanghiya pala talaga ng tita mo ano?”

“Pero ikaw din ay ayaw magkaanak di ba?”

Natahimik si Dick. Nag-isip.

“Oo. Ayaw ko. Pero sa nalaman ko tungkol kay Puri, nagbabago na ang pananaw ko.’’

“Gusto mo na ring magkaanak at magpakasal, Tito?”

Tumango si Dick.

“Naisip ko, parang walang direksiyon ang buhay kapag ganoon ang sinunod ko. Hindi tama. Ngayon ko nga naiisip ang mga sinabi ng kuya ko sa Australia. Tigilan ko na raw ang pakikipaglampungan at mag-settle down na…’’

“Bakit nga hindi ganoon ang gawin mo, Tito?”

“Parang mahirap nang gawin yan ngayon. Hindi na ako naniniwala sa babae­. Akalain mo, mina­hal ko si Tita Puri mo. Na­ging matapat ako. Iniwasan ko ang tukso. Hindi ako nagpatangay. Pero ang sakit ng ginanti sa akin. Pinagpalit ako sa iba. Ang masakit pa, ginawa pa akong tanga. Pinaniwala na ako lamang ang mahal iyon pala ay mayroon na siyang iba. Kaya nga sobra ang galit ko sa kanya. Pagganti ang nasa isip ko…pati nga ikaw naisama ko sa listahan na gagantihan. Kasi akala ko, kakutsaba ka. Hindi ko alam na gina­gamit ka lang.’’

“Talagang ayaw ko namang sundin ang utos niya. Natakot nga lang ako at isa pa, dito ako nakatira sa kanya. Pikit-mata lang ako, Tito.’’

“Wala na sa akin ang pagganti. Gusto kong mabuhay na nang tahimik. Siguro ay hindi muna ako magmamahal. Baka nga hindi na ako mag-asawa.’’

Nakatingin lang si Jinky kay Dick.

Maya-maya, nagsalita si Jinky.

“Talagang hindi mo na ako gagantihan, Tito?”

“Hindi na.’’

“Salamat.”

“Magpapaalam na ako, Jinky. Salamat sa impormasyon.’’

‘‘Bye Tito.’’

(Itutuloy)

 

vuukle comment

AKO

AYAW

BYE TITO

JINKY

PERO

SHY

TITA PURI

TITO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with