Lampong (177)
BINAWI ni Dick ang pagkakatingin sa mamasa-masang labi ni Jinky. Bakit ba ang labi ni Jinky ang kanyang napansin? Kumagat siya sa chicken sandwich na ginawa ni Jinky. Masarap! Tamang-tama ang lasa. Masarap palang gumawa ng sandwich si Jinky.
“Ikaw Jinky, kumain ka na ba?â€
“Ha? A e oo Tito Dick. Kumain na ako. Busog pa ako Tito.’’
“Teka nga pala, Jinky, nasaan na ang anak mo? Wala akong nakikitang bata rito?â€
Nagulat si Jinky. Hindi marahil inaasahan na itatanong iyon ni Dick.
“Wala na rito ang baby ko, Tito Dick.â€
“Nasaan?â€
“Nasa probinsiya. Dinala roon ni Mama. Nalaman na niya ang nangyari sa akin. Napaiyak nga siya. Bakit daw nangyari sa akin ang ganoon? Sabi ko nagkamali ako. Huli na nang aking ma-realized na mali ang ginagawa ko…’’
“Anong sabi ng mama mo?â€
“Napaiyak nga siya. Tapos sabi sa akin, handa raw ba akong magbago at tapusin ang pag-aaral. Sabi ko handa ako. Pinatawad niya ako.
Akala raw ni Mama, maÂayos ang kalagayan ko dahil kasama ko si Tita Puri. Nasa boses ni Mama ang hinanakit kay Tita dahil hindi ako nasubaybayan. Pero hindi na niya sinumbatan si Tita. Sabi niya sa akin, totohanin ko ang pagbabago. Para raw sa anak ko. Huwag na raw akong maliligaw ng landas…â€
Nakita ni Dick na may tumulong luha sa mga mata ni Jinky. Nag-unahan sa paggulong sa pisngi.
Pero maagap na pinahid ni Jinky.
“Napaiyak tuloy ako.’’
Napangiti si Dick.
“Teka nga pala, ano yung sinasabi mong ipagtatapat pa tungkol kay Tita Puri mo?â€
Umayos sa pagkakaupo si Jinky.
“Hindi mo pa siguro alam na nabuntis na si Tita Puri noon. Ipinalaglag lang niya ang sanggol…â€
Gimbal si Dick. Talagang hindi niya alam iyon.
(Itutuloy)
- Latest