^

Punto Mo

Mandaraya

DIKLAP - Ms Anne - Pang-masa

MATAGAL nang naninilbihan bilang katulong si Jopay sa pamilya ng mag-asawang Ellen at Zaldy kaya nagpasya silang bigyan ito ng espesyal na regalo. Sakitin ang asawa ni Jopay kaya walang trabaho. Naisip nilang bigyan ito ng  anim na kambing para  may pagkakitaan. Sa anim na aalagaan, dalawa ang lalaki para ito ang mambuntis sa apat na babae. Kambing ang naisip nilang paalagaan dahil mabilis dumami at magandang ibenta sa market, bukod doon maaari ring gatasan. Pero hindi muna nila ipinagtapat na bigay na nila ang anim na kambing. Gusto muna nilang subukan ang katapatan ng mag-asawa. Ang alam ng mag-asawang Jopay ay tagapag-alaga lang ang kanyang mister. Babayaran lang ito bilang caretaker. At kung may kikitain sa mga ibebentang kambing, mayroon siyang profit share na 25 percent. Sa bukid nakatira sina Jopay kaya ang mga kambing ay sa mismong lote nila inaalagaan. Si Jopay ay isang stay-out maid dahil maliliit pa ang mga anak at kailangang umuwi sa gabi. Ang bahay ng kanyang mga amo ay nasa kabayanan.

Isang araw ay naibalita ni Jopay na buntis na ang dalawa sa  mga kambing. Simula noon ay wala na itong naibalita pa. Nang tanungin kung ano na ang nangyari sa dalawang buntis na kambing, naagas o nakunan daw ang mga ito kaya walang naipanganak. Sinadya ng mga amo na huwag i-tsek ang mga kambing sa bukid.

Sa sobrang tagal nang paninilbihan ni Jopay ay masyado na itong na-feel at home sa kanyang mga amo. Kung hindi ito “late” ay laging nag-a-absent sa trabaho nang walang pasabi. May cell phone si Jopay ng mga panahong iyon. Dumating sa punto na napuno na si Zaldy sa umaabusong katulong. Isang araw na nag-absent si Jopay, biglang sumugod si Zaldy sa bahay nito sa bukid bitbit ang malaking trak na hahakot sa anim na kambing na pinaalagaan niya. Ora mismo ay binawi ni Zaldy ang kambing at sinisante niya ang katulong. Ang hindi inaasahan ni Zaldy, tumambad sa kanya ang ilang baby goat na obviously ay anak ng mga kambing na inirereport sa kanyang naagas daw. Maikli lang ang sinabi ni Zaldy sa mag-asawa: Naagas pala ha!

Hindi na kinuha ni Zaldy ang mga batang kambing, yun na lang  original na anim ang kanyang binawi. Nangyari iyon 6 na taon na ang nakalipas. Ngayon ay  umaaligid sa kanilang bahay ang katulong. Nagpaparamdam si Jopay na gusto niyang bumalik sa dating amo. Sa loob-loob lang ng mga amo — ano siya, hilo?

 

BABAYARAN

DUMATING

ISANG

JOPAY

KAMBING

MAIKLI

SI JOPAY

ZALDY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with