^

Punto Mo

Lalaki sa India, kinaliwa ng asawa, umakyat sa punong bayabas at namalagi roon ng 9 na buwan

- Arnel Medina - Pang-masa

IBA’T IBA ang ginagawa ng mga lalaking pinagtaksilan ng kanilang asawa. May mga lalaking naghuhuramentado, nagpapakamatay at mayroon namang nagpapalabuy-laboy. Pero kakaiba ang ginawa ng isang lalaki sa Mumbai, India makaraang matuklasan na kinaliwa siya ng asawa --- umakyat siya sa baya­bas na maraming bunga at namalagi roon ng siyam na buwan!

Siyam na buwan na nawala si Sanjay dahil nagtrabaho siya sa ibang lugar. At ganoon na lamang ang kanyang pagkagulat nang malamang pinagtaksilan siya ng asawa. Nakipagrelasyon ito sa lalaking kapitbahay.

Sa sobrang sama ng loob ni Sanjay, nagtungo siya sa bakuran at umakyat sa ma-laking puno ng bayabas na maraming bunga.

Tumagal nang siyam na buwan si Sanjay sa itaas ng puno. Pawang bayabas ang kanyang kinain para maka-survive. Inaabutan din siya ng pagkain ng kanyang mga kamag-anak.

Hinihintay ni Sanjay ang paghingi ng tawad ng nagtaksil na asawa pero hanggang ngayon ay hindi pa ginagawa.

Ayon sa mga pulis, hindi nila maaaring kasuhan si Sanjay dahil wala naman itong ginawang krimen.

vuukle comment

AYON

HINIHINTAY

INAABUTAN

MUMBAI

NAKIPAGRELASYON

PAWANG

PERO

SANJAY

SIYA

SIYAM

TUMAGAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with