^

Punto Mo

Lampong (157)

Pang-masa

NAALALA ni Dick ang sinabi ni Jinky nang gabing magtungo siya sa unit ni Puri. Tinatawag siya ni Jinky at may sasabihin daw na mahalaga. Hindi kaya ang tung­kol kay Puri ang sasabihin nito. Posible. Bakit ganoon na lamang ang pagtawag sa kanya ni Jinky? Mahalaga nga siguro ang sasabihin ni Jinky.

Pero maaari rin naman na ‘‘bitag’’ lang iyon ni Jinky. Kabisado na niya si Jinky. Papapasukin siya ni Jinky hanggang sa may mangyari sa kanila.

Pero ngayong may na­laman na siya kay Puri, hindi na niya binibigyang halaga kung may mangyari sa kanila ni Jinky. Ano ba kung matikman niya ang pasaway na babae?

Pero dapat muna niyang malaman kung sino ang la­laking sinamahan ni Puri. Tiyak na mayaman dahil BMW ang sasakyan. Mga milyonaryo lamang ang naka­kabili ng BMW. Maaari nga siyang ipagpalit ni Puri dahil ni bisikleta ay wala siya. Ni hindi nga siya marunong mag-drive. Kawawa naman siya, pinaasa siya ni Puri. Pinaniwala siya na mahal nito. Pinaasa siya. Imagine­, naging matapat siya kay Puri pero winalanghiya siya! Ang sakit! Napaka-hapdi!

Kailangan, malaman niya kung sino ang lalaki. Kaila­ngang makita niya ito. Su­subaybayan niya sina Puri at ang lalaking sinamahan nito.

Magpa-file siya ng vacation leave bukas. Kailangang matapos niya ang problemang ito. Kapag natapos ang problema, saka na lamang niya haharapin ang kanyang trabaho. Gusto niyang malaman kung bakit siya tinarantado ni Puri. Kapag nalaman niya, hahayaan na niya si Puri.

Kinabukasan, nag-file ng isang buwang leave si Dick. Pagkatapos mag-file, tumambay na siya sa paligid ng building nina Puri. Maghihintay siya. Kailangang makita niya ang itsura ng lalaki.

Maya-maya, nakita na niya si Puri. Papalabas ng building. Ang malanding babae! Sandali lang itong tumayo ay maya-maya pa tumigil sa tapat ni Puri ang BMW. Mabilis na sumakay si Puri.

Gustong lapitan ni Dick ang BMW pero mabilis na nakaalis. Agad namang tinandaan ni Dick ang plate number at kulay ng BMW.

Kinabukasan, hindi na­tiyempuhan ni Dick ang BMW. Hindi rin ng mga sumunod na araw.

Makalipas ang isang linggo, nasa isang mall si Dick nang makita niya ang BMW. Hindi siya maaaring magkamali. Kabisado niya ang plate number at pati kulay.

Nang lumabas ang isang matandang lalaki. Nakakalbo na. Ito kaya ang ipinalit sa kanya ni Puri?

(Itutuloy)

BMW

JINKY

KABISADO

KAILANGANG

KAPAG

NIYA

PERO

PURI

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->