^

Punto Mo

25 on 25

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

BUKAS, Disyembre 25, ay 25 anyos na ako. Narating ko na ang aking quarter life (1/4 ng 100 taong buhay). Marami sa mga kakilala kong beinte anyos ang dumaranas ng tinatawag na quarter life crisis o isang dilemma at panahon ng pagtatanong kung ano ba ang nais nilang mangyari sa buhay nila. Stressed na stressed ang mga dumaranas ng krisis dahil sa realidad ng pagiging isang adult. Mula sa pagsandal sa mga magulang, pagtanggap ng allowance at maging pagkakaroon ng routine at schedule dahil sa pagpasok sa paaralan, biglang on your own na sila.

Kaya naman masaya kong ibinabalita sa inyo na nalampasan ko na ang krisis na ito bago pa ako tumuntong sa ika-1/4 ng buhay ko. Matapos ang maingat at masusing pagsusuri, sandamakmak na katanungan, pag-iisip at taimtim na pagdarasal, ay natagpuan ko ang aking mga mission at passion sa buhay. Marami sila at sa iba’t ibang larangan kaya naman nais kong kilalanin ang mga taong tumutulong sa aking ipagpatuloy na maging at gawin ang mga ito.

Sa larangan ng pagsusulat at paglalahad ng aking saloobin at pagbabahagi ng kaalaman at pageeduka sa mga kabataan, nariyan ang PM, ang Diyaryong Pang-Masa. Taos-pusong pasasalamat sa aking mga bossing - President and CEO, Sir Miguel Belmonte at Sir Isaac Belmonte, gayundin kila Sir Al Pedroche at Mr. Ronnie Halos. Siyempre lalo na sa mga talagang sumusuporta ng Wannabet tuwing MWF! Magwawalong taon na akong nagsusulat sa PM!

 Sa larangan ng pag-arte at pag-host, nariyan siyempre ang aking GMA 7 Family. Mula kila Mr. Felipe Gozon, Mr. Jimmy Duavit, Ms. Lilybeth Rasonable; sa aking GMA Regional Family - Sir Oli Amoroso, Ms Marla Teopaco, Miss JB, Mama Otep, Mama Bigboy, Ate Kat, Ate Yna, Ate Mayo at Nanay Marilou. GMA Artists Center Family, Sir Arsi Baltazar III, Sir David Fabros, Sir Simoun Ferrer, sa aking handler at mga Nanay na sila Daryl Gonzales Zamora, Nanay Jo Legaspi Sta. Rosa. Maraming salamat po! Isa kayo sa dahilan kung bakit naging masagana ang aking taon. Salamat at muli ninyo akong tinanggap. Hindi ko rin malilimutang pasalamatan ang aking pinakamamahal na Jenn Ocampo, Bernadane Parales ng Bettinatics, at pati ang Bettina-tics_DVO Davao Chapter. Unti-unti na tayong dumadami mga Ate B at Madelita!

Sa larangan naman ng pagnenegosyo at baking, nais kong pasalamatan ang mga taong nagbigay sa akin ng oportunidad upang masimulan at mapalago ang aking munting negosyo ---ang Baked Bites by ABC - si Adrian Adriano, ang may-ari ng Moonleaf Teashop, si Tita Rose Ann Bulan ng Raintree Teapresso Blends, ang mga suki kong Mike at Gretchen Leaño, si Martin Castañeda ng CASTRO and Associates PR firm, si Leanne Ong ng RM Boxes na ginawang posible ang mga kahong pinapangarap ko.

At panghuli, sa larangan ng pagiging ina, ang aking pangu­nahing misyon sa buhay. Si Gummy na iniikutan ng buhay at mga pangarap ko. Sa aking Wowa at Mama na katuwang at karamay ko sa buhay na ito - ano man ang tahakin ko. Kahati ko sa aking hirap, sarap, sagana, ginhawa. Ang aking mga kapatid - Anjo at Ali. Kay Papa. At sa aking dalawang bulilit na pinsan, Ala at Leon. Ang lahat ng ito ay nagagawa ko dahil sa inyong tulong at suporta.

At siyempre, ang pinakamalaking dahilan nang pagba-ngon ko sa tuwi-tuwina. Ikaw. Maraming salamat, Papa J! I can do all things through you who gives me strength (Philippians 4:13). Maraming salamat sa lakas ng katawan at loob upang magawa ang lahat ng nais mong magawa ko. Ang lahat ng ito, ultimately, ay para Sa Iyo.

Maligaya ang Pasko at kaa-rawan ko dahil sa inyong lahat.

ADRIAN ADRIANO

AKING

ARTISTS CENTER FAMILY

ATE B

ATE KAT

ATE MAYO

ATE YNA

MARAMING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with