^

Punto Mo

Editoryal - Truck ban

Pang-masa

GRABENG trapik ang nararanasan ngayon sa Metro Manila. At lalo pang tumitindi habang papalapit ang Pasko. Ang dating biyahe mula Quezon City hanggang Quiapo ay dalawang oras at mahigit pa. Ang Monumento via EDSA patungong Pasay ay dalawang oras din. Dati mahigit isang oras lamang ang biyahe sa mga nabanggit na lugar. Mas lalong grabe ang trapik sa mga lugar na may tiangge. Ang dating matrapik na Rizal Avenue at Recto Avenue ay lalo pang naging matrapik. Hindi na gumagalaw ang trapik sa Divisoria sapagkat nasa gitna na ang mga vendor.

Ilang dahilan pa kung bakit grabe ang trapik ay dahil sa mga nakaparadang sasakyan sa magkabilang gilid ng kalsada. Ganito ang tanawin sa Quaipo at Sta. Cruz, Manila. Halos isang lane na lang ang dina­daanan ng mga sasakyan sapagkat double parking na. Walang kakayahan ang mga awtoridad na paalisin ang mga sasakyan. Kapag binatikos sa diyaryo o TV ang tungkol sa grabeng trapik dahil sa nakahambalang na mga sasakyan, sosolusyunan pansamantala pero pagkaraan ng ilang araw, balik muli sa dati.

Dahilan din ang mga paghuhukay na isinasagawa ng mga water concessionaires sa maraming kalye sa Metro Manila. Mayroong sa gitna pa ng kalsada naghu­hukay na nagiging dahilan nang sobrang trapik. Idagdag din naman ang ginagawang paghuhukay ng DPWH para maglagay naman ng culvert. Ganyan ang tanawin sa kahabaan ng A. Bonifacio Avenue hanggang­ Balintawak.

Maganda naman ang naisip ng Metro Manila Develop­ment Authority na pag-extend sa oras ng truck ban. Ini-extend ng dalawang oras ang truck ban. Mula 6:00 a.m. hanggang 10:00 a.m. ay hindi dapat bumiyahe ang mga truck at ganundin mula 5:00 p.m. hanggang 10 p.m. .

Malaking kabawasan sa trapik ang truck ban. Kadalasan, kapag naglabasan sabay-sabay ang mga truck ay nagdudulot nang mabigat na trapik. Sana ipa­tupad nang tuluy-tuloy ito kahit hindi holiday season. Malaking luwag sa trapik ang truck ban.

 

 

ANG MONUMENTO

BONIFACIO AVENUE

MALAKING

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOP

QUEZON CITY

RECTO AVENUE

RIZAL AVENUE

TRAPIK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with