LAMPONG(135)
EKSAKTONG napindot na ni Dick ang number ni Puri ay bigla siyang niyakap ni Jinky. Hinalikan siya sa dibdib. Nakiliti siya.
“Jinky ano bang…”
“Huwag mo na siyang tawagan, Tito Dick. Magagalit nga yun. Baka kung ano lang ang mangyari.’’
“Bakit nga siya magagalit e magtatanong lang naman ng gamot para sa pamangkin niya.’’
Lalong humigpit ang pag kakayakap sa kanya ni Jinky. Parang sawang-bitin ito na mahigpit ang pagkakalingkis. At hindi maaa-ring magkamali si Dick sa naramdamang pagkiskis ng katawan ni Jinky. Wala itong anumang saplot sa loob. Tanging ang manipis na pantulog. Hindi siya maaaring dayain ng kanyang matalas na pandama. Nadarama niya ang lusog ng dibdib ni Jinky na dumadampi sa dibdib niya. Parang may marsmallow na nakapatong sa balahibuhin niyang dibdib.
“Teka, Jinky…’’
“Huwag mo nga siyang tawagan Tito at baka mais-torbo lang e kung ano pa ang mangyari.’’
“Itatanong ko lang kung ano ang mabuting gamot sa baby.’’
“Huwag na Tito.’’
“Teka, Jinky… anong…’’
Nakita ni Dick na unti-unting inaalis ni Jinky ang butones ng kanyang boxing shorts. Ano ba itong ginagawa ni Jinky? Nag-iisip siya nang malalim sa mga nangyayari. Nagkatotoo na ang kutob niya na isang bitag ang inilatag ni Jinky. At nga-yon ay nasa loob na siya ng bitag.
Naalis na ni Jinky ang mga butones ng shorts. Sanay na sanay si Jinky.
“Baka kung mapaano ang baby mo, Jinky…’’ sabi ni Dick sa mahinang boses. Ang baby pa rin ang nasa kanyang isipan.
Pero sa tipo ni Jinky, hindi ang pangangailangan ng anak ang prayoridad nito kundi ang nararamdamang silakbo ng pagkagusto sa “laman’’. Ibang klaseng Jinky ang nakita ni Dick habang binabatak pababa ang shorts. Isang uhaw o gutom na Jinky ang nagkukumahog para mailabas ang “bagay” na kanyang kinasasabikan.
At aywan ni Dick kung ano itong nararamdaman niya. Para ba siyang papel na unti-unting tinatangay nang isang malakas na hangin. Hindi niya kayang labanan ang hangin. Tinatangay siya. Dahan-dahan.
Nang muli niyang tingnan ang ginagawa ni Jinky, nailabas na nito ang “bagay” na kinalulugdan.
Hindi na yata makakaya ni Dick ang malakas na ha-ngin. Super-bagyo na ito. Humihigop. Malakas ang bawat paghigop.
(Itutuloy)
- Latest