Si Santa sa outer space
Kasama sa imported na rekado ng Kapaskuhan si Santa Claus, totoo man siya o hindi. Sakaling makapagtayo ng kolonya ng tao sa ibang planeta, tiyak din na naroon din siya sa ganitong kapanahunan. Kakayanin naman kaya ni Santa Claus ang lumibot sa Solar System para maghatid ng regalo sa mga tao na maninirahan sa iba’t ibang planeta? Minsan, sa isang panayam umano sa kanya ng Science@NASA sa kanyang tahanan sa North Pole, sinabi ni Santa Claus na kailangan niyang magdagdag ng mga elves, pagsuutin ng spacesuit ang kanyang mga reindeer at mag-overtime sa pag-eempake ng mga regalo nang sa gayon ay mapagsilbihan ang mga tao sa ibang planeta.
Magkakaroon nga lang ng pagbabago sa kanyang iskedyul. Idadagdag lang niya sa kanyang ruta ang kolonya ng tao sa Buwan dahil naiisip niyang ang oras dito ay maitutulad din ng sa Daigdig. Tuwing ikalawang taon, magdadala siya ng mga regalo sa Mars pagkatapos ng ruta niya sa Buwan at Daigdig. Magagawa pa rin nila ang magdamagang paghahatid ng mga regalo dahil mas mahaba nang 37 minuto ang isang araw ng Mars kumpara ng araw sa Daigdig. Magiging dalawang beses din sa loob ng isang taon ang Pasko sa mainit na planetang Venus pero mas mahaba nang 243 ulit ang araw sa Venus. Mahaba pa ang gabi para makapaglibot siya sa Daigdig bago siya pumunta sa Venus. Mas mainit sa Venus ang Mercury pero tiyak na ipagdiriwang dito ang Pasko tuwing ika-88 araw. Matinding trabaho ito kay Santa at sa kanyang mga reindeer. Malaking hamon naman sa kanya ang Jupiter na mas malaki at mas mabilis uminog kaysa sa Daigdig. Meron lang siyang siyam na oras at 55 minuto para maghatid ng mga regalo sa Jupiter. Wala ring matigas na lupa sa Jupiter kaya tiyak na nakalutang sa mga ulap ang maitatayong kolonya rito ng tao. Kahit ayaw ng mga reindeer na magsuot ng damit, obligadong magsuot ang mga ito ng spacesuit o anumang protective suit dahil binubuo ng nakakalasong
- Latest