Thanksgiving
TAUN-TAON, ang mga kababayan nating Amerikano at Canadians ay ipinagdiriwang ang Thanksgiving. Mas malaki pa ito kaysa sa Pasko para sa kanila.
Sa mga Amerikano, ipinagdiriwang ang Thanksgiving tuwing ika-apat na Huwebes ng Nobyembre, habang sa Canadians naman ay sa ikalawang Lunes ng Oktubre. Ang kanilang inaalala at ipinagpapasalamat ay ang matagumpay na pag-aani, ulan matapos ang tagtuyot, gayundin ang paggunita sa kanilang mga sinaunang ninuno --- mga Native Americans at Protestanteng Ingles.
Si Pres. Abraham Lincoln ang nagpasa ng batas noong 1863 na nagdedeklara sa Thanksgiving bilang isang national holiday. Ang pinakaunang kinikilalang opisyal na pagdiriwang ng Thanksgiving ay naganap noong termino ni President George W. Bush nang iproklama niya ang Nobyembre 26 bilang pampublikong paggunita ng pasasalamat at pagdarasal para sa pagtaguyod at pagsilang ng bagong saligang-batas.
Narito ang mga tradisyon kapag Thanksgiving:
ï¬ï€ Ang mga miyembro ng pamilyang nakatira sa malayo ay talagang naglalakbay upang makapiling ang lahat ng kasapi sa araw na ito. Sa Amerika, ang Thanksgiving ang isa sa pinaka-busy nilang araw sa buong taon!
ï¬ï€ “Turkey Day” ang isa pang tawag sa Thanksgiving dahil ang star ng kanilang hapunan ay ang Turkey. Ang ilan pang kailangang nakahain at kasama sa piging ay ang stuffing ng Turkey, gravy, kamote, corn bread, mashed potatoes at cranberry sauce. Para naman sa dessert, ang kilalang pie at ang mga flavors ay pumpkin, sweet potato at apple pie.
ï¬ï€ Mayroon ding tinatawag na “Turkducken” o manok na isinilid sa pato na nasa loob nang malaking Turkey.
ï¬ï€ Bahagi rin ng pagdiriwang ang pagbali ng tinatawag na wishbone. Ang bawat manok at Turkey ay may wishbone. Ito ay matatagpuan sa may bahagi ng dibdib. Pero dapat ay makuha ito ng buo para makapag-wish at dalawang tao ang hihila at babali nito. Kung sino sa dalawa ang makakuha nang mas malaking bahagi, ang kanyang hiling daw ang magkakatotoo.
Dapat mayroon din tayong itinalagang Araw ng Pagpapasalamat. Kung hindi man ito isabatas, nawa’y sa ating mga sarili at pami-pamilya na lamang tayo magdiwang at magpasalamat. Marami tayong dapat ipagpasalamat. Isa na riyan ang hindi tayo nakalimutang gisingin ng Diyos ngayong araw na ito.
- Latest