^

Punto Mo

Bilang ng krimen bumaba, bilang ng menor na dawit sa krimen, tumaas

RESPONDE - Gus Abellgas - Pang-masa

MALAKI ang ibinaba ng krimen sa Metro Manila, base sa  report ng National Capital Regional Police Office (NCRPO).

Ito ay dahil umano sa pagpapatupad ng tambalan ng pulis at barangay tanod,  gayundin din ang pagdisiplina sa mga tatamad-tamad na mga pulis.

Base sa report, noong Setyembre 20 porsiyento ang ibinaba ng krimen, habang limang porsyento naman noong  buwan ng Oktubre.

Pero eto ha, sa kabila nito aba’y umalagwa naman ng halos sa triple ang itinaas ng mga batang nasasangkot sa mga krimen. Kabilang dito ang mga biktima at suspect  o iyong mga nagagamit ng mga sindikato.

Sa pinakahuling ulat ng PNP, sa nakalipas na apat na taon malaki ang itinaas ng bilang ng mga batang dawit sa ibat-ibang uri ng krimen. Umaabot ang bilang sa  5, 818 na dating 1,825 lamang noong taong 2007.

Binase ito sa mga sumbong na tinanggap ng children’s desk.

Kapansin-pasin din na paboritong gamitin ng mga sindikato o nagsusulputan pang grupo ng kawatan ang mga kabataan.

Simula sa mga pamamalimos, pandurukot, pang-iisnatch, nandyan din na ginagamit ang mga menor-de-edad sa pagdedeliber ng mga ilegal na droga.

Ngayon may ilan na ginagamit na rin sa pagdukot sa kapwa bata.

Malalakas ang loob ng mga kawatan na gamitin ang mga menor-de-edad, dahil alam nila na walang kulong ang mga ito.

Custody lang ng DSWD ang pinaka-parusang pwedeng matamo ng mga ito, at hindi naman nagtatagal.

Kung hindi nakakatakas sa ahensiya, may ilan na tuluyan nang pinalalabas, ang sabi dahil sa kakulangan ng pondo.

At alam ba ninyong kara­mihan sa mga kabataan na nasa­­sangkot sa krimen ay mga pala­boy at yaong hindi nagagaba­yan ng kanilang mga magulang.

Kaya nga siguro dapat na ring magkaroon ng batas na magpapataw ng kaparusahan sa mga magulang na ang kanilang mga anak ay nadawit sa krimen dahil na rin sa kanilang kapabayaan o pagkukulang.

BINASE

KABILANG

KAPANSIN

KAYA

KRIMEN

MALALAKAS

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with