^

Punto Mo

Lampong (125)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

BAKIT hindi makatanggi si Dick sa pakiusap ni Jinky? Talagang kapag babae­ na ang makiusap sa kanya ay mabilis siyang pumapayag at hindi na nag-iisip. Oo lang nang oo. Payag lang siya nang payag.

“Salamat Tito Dick. Ang bait mo talaga. Kakainggit si Tita Puri!”

“Teka, alam ba ni Tita mo na dito muna kayong mag-ina?”

“Hindi pa nga Tito Dick. Pero palagay ko, hindi naman­ yun magagalit dahil narito kami sa apartment mo.’’

“Pero maganda ring malaman niya.’’

“Itatawag ko sa kanya, Tito. Teka at ipagtitimpla ko ng gatas si baby. Nagugutom na siguro ito.’’

“Sige dun kayo sa kuwarto na tinuluyan dati. Nariyan pa ang crib na regalo ko.’’

“Talaga Tito Dick. Hindi­ ko alam na ibinili mo ng crib si baby.’’

“Oo. Kasi’y isa pang dadalhin dito ang crib niya e mabigat din yun. At saka natutuwa ako sa baby mo kaya ko ibinili.’’

“Thanks Tito. Dadalhin ko na si baby sa room.’’

“Sige.’’

Nang wala na si Jinky ay agad tinawagan ni Dick si Puri. Pero hindi sumasagot. Ilang beses pang sinubukan pero hindi sumasagot. Baka naman hindi pa tapos ang seminar. Pero mag-aalas-sais na ng gabi.

Pinalipas ni Dick ang isang oras. Hindi rin sumasagot si Puri.

Pinalipas pa niya ang isang oras. Saka lamang sumagot si Puri.

“Bakit ngayon ka lang sumagot, Puri?”

“Natutulog ako. Itong cell ko e nasa bag ko kaya hindi ko naririnig ang ring.’’

Masyado naman yatang mahimbing matulog si Puri.

“Kaya ako tumawag e dahil narito si Jinky. Dito raw muna sila sa apartment ko.”

“Bakit daw?”

“Hindi sinabi. Baka natatakot mag-isa sa unit mo.”

“E nasaan ang yaya ng baby?”

“Umalis daw. Nagtungo sa probinsiya.”

“Umalis? Bakit kaya biglang umalis?”

“Ewan ko, Puri. Basta yan ang sinabi ni Jinky. Dito raw muna sila at hindi naman ako makatanggi.”

Hindi makapagsalita si Puri. Parang nag-iisip nang malalim. Naririnig ni Dick ang paghinga ni Puri.

“Teka nasaan ka Puri?”

“Ha, a e narito sa Baguio­. Nasa isang hotel kami nakatuloy. Ang lamig nga rito.’’

“Sarap sana kung na­riyan ako.’’

Hindi nagsalita si Puri.

Maya-maya sinabi nito kay Dick, “Bahala ka na kay Jinky…”

(Itutuloy)

 

BAKIT

DICK

JINKY

PERO

PURI

TEKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->