^

Punto Mo

Editoryal-Problema ang trapik

Pang-masa

ANG dating isang oras na biyahe sa bus mula North EDSA patungong Makati ay mahigit dalawang oras na. Ang biyahe mula Fairview hanggang Quiapo na dati ay mahigit isang oras, ngayon ay dalawang oras na rin. Kung sasakay ng dyip mula Avenida hanggang Baclaran, dalawang oras na ang gugugulin. At habang palapit nang palapit ang Pasko, lalo pang tumitindi ang trapik. Bumper to bumper na at marami nang nagmumurang pasahero dahil ayaw umusad ang sinasakyang bus o dyipni.

At kung kailan malapit na ang Pasko saka naman nag-eeksperimento ang Metro Manila Development Authority (MMDA). May mga u-turn slot sila na isina­sara na sa halip mapagaan ang trapik ay lalo pang bumibigat. Noong Lunes, isinara ang u-turn slot sa Quezon­ Avenue corner EDSA. Nabigla ang mga motorista­ sa biglaang pagsasara kaya nagdulot ng pagka­buhol-buhol ng trapik sa EDSA at Quezon Avenue.
Kung nag-eeksperimento ang MMDA, wala namang ginagawa ang traffic department ng Maynila kung paano mapapaluwag ang trapik sa Quiapo, Rizal Avenue­ at Recto Avenue. Wala nang ginagawang paraan ang traffic officials para mapaluwag ang kalye sa mga naka-park na sasakyan. Sa malapit sa Sta. Cruz church, naghambalang ang mga sasakyan sa mga gilid ng kalsada. Double parking na sila. Isang lane na lang dinadaanan kaya naman usad-pagong ang mga sasakyan.

Sa ilang malalaking kalsada ay may isinasa­gawang paghuhukay kaya naman mabagal ang daloy ng trapiko. Sa kahabaan ng Bonifacio Avenue (mula Chinese Hospital hanggang Balintawak) ay may mga ginagawang paghuhukay para sa ilalagay na culvert. Bakit kung kailan holiday season saka maghuhukay? Dagdag pasakit sa dinaranas ng mga motorista na bigat ng trapiko. Dapat lutasin ang problemang ito.

BACLARAN

BONIFACIO AVENUE

CHINESE HOSPITAL

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NOONG LUNES

PASKO

QUEZON AVENUE

RECTO AVENUE

RIZAL AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with